37:ISTORBO

3.2K 110 8
                                    

Alelie's POV

So far, so good naman. Ilang months na din sobrang pagod sa trabaho. Madalas kami na ni Meghan ang magkasama. Masaya naman kami. Para na nga talaga kaming mag-asawa. Pero siempre, parang minsan naiisip ko na sana.. kasal talaga kami.

Ewan ko ba nakakahiligan ko sumilip sa mga beach weddings sa magazine ngayon. Gabi na at hinihintay ko umuwi si love. Nagluto na din ako ng kilawin para ulam namin.

Tapos na din naman ang mga gawaig bahay, at take home na trabaho na kailangan kong gawin. Secretary at Yaya parin naman niya ako eh. Siempre, may tinutustusan akong pamilya.

Hindi ko sila pwedeng hayaan. Masyado kong mahal sina nanay para iwan ang trabaho ko no. Ang advantage ko lang, kasama ko ang mahal ko.

At ang sarap sa feeling ng mahalin ng isang Alexander Lopez. Maalaga, mabait, masipag... pero kuripot parin talaga sa iba, pero hindi saakin.

Kahit na ayaw ko palagi siyang bumibili ng kung ano ano para saakin. Ultimo underwear at swimsuit binibili niya. Kahit napkin, shampoo, at kapag nag gogrocery kami ako sa lahat ng dapat na stock sa bahay.

Pero siya talaga kusa ng kukuha ng toiletries ko at hindi siya nahihiya. 

Minsan nga naiisip ko hindi ba siya nahihiya? Siempre, bumibili siya ng gamit ng mga babae na dapat ang babae lang ang gumamit.

"Ang busy mo naman, love." Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya. Grabe ah!! Lakas mangulat!

"Ano kaba naman Alexander?! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos?!" Tumawa lang siya at umupo sa tabi ko, sabay halik sa labi ko.

It never fades. Simpleng halik lang pero ang laki na ng epekto.

"Sorry na, love. Pero ano bang sinisilip mo? Tsaka ano schedule ko bukas?" Sinilip ko ang planner app ng iPad ko.

Pinag ipunan ko to!! Achieve ko na! Pinangarap din magkaroon ng ganito ni Nicolette kaya naman ibibigay ko din ito kapag nakabili na ako ng bago.

"Wala naman, mga beach weddings ng ibang artista. And eto na schedule mo, bukas ng 8am pagpasok naten, may mga ipapapirma na ako sayo. Nakalimutan ko ipapirma, sorry. Then by 10am may meeting kayo ni Aston kay Kevin for monthly report ng Gasoline stations, and resto niyo then by afternoon other paperworks nalang gagawin naten. So kung may iba kapang activities una na ako uuwi bukas. Para makabawi ng tulog. Yun lang." Umupo siya sa tabi ko at nag unat.

At  ilang huwarang asawa.. ay girlfriend pala. Tumayo ako at ako na mismo ang nag alis ng sapatos, medyas, neck tie at suit niya.

Alam kong pagod siya. Masyadong madaming trabaho. Madalas ako nauuna umuwi. Kapag nauuna akong umuwi sakanya, hindi ako naghihinala. May tiwala ako sakanya.

Alam kong hindi niya ako kayang ipagpalig sa iba. Confident much ako pero totoo ang sinasabi ko.

"Ang sweet naman ng girlfriend ko. Thank you love." Pinayuko niya ako at hinalikan.

Lumalim pa ang paghahalikan namin at kumandong ako sakanya. Sa mga oras na ganito minsan nawawalan  na ako ng hiya.

Ng kinakapos na ako ng hininga humiwalay ako at hinahabol ko ang hininga ko.

"God, everytime we kiss like that it makes me horny. Fck it Alelie. Youre such  a tease." Kahit na kapos ang hininga ko nakuha ko pang ngumiti.

"Sorry. Ikaw kasi masyado kang gwapo para tanggihan ko." Hinalikan ko siya ulit pero dampi lang saka na umayos ng tayo.

"Tara kain na tayo. Maghahain lang ako. Nagluto ako kilawin." Ngumiti siya at niyakap ang bewang ko.

"Sige, bihis lang ako, bababa din ako." Hinalikan niya ako sa noo at pumasok sa kwarto namin.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon