21:FIRST DATE

3.5K 103 2
                                        

Alelie's POV

9am palang kaya may oras pa kami ni Xander para lumabas. At excited ako! Pero mamimiss ko siya kasi nga aalis sila.

Hay. Sekretarya niya ako pero maiiwan ako.

Nagdala ako ng limang pares ng lahat ng mga sinusuot niya. Magmula pambahay at pangtrabaho at pang casual wear.

Kanina pa ako nag aayos pero grabe ang tagal niya sa banyo.

Grabe naman kasi! Nainis ako bigla dun sa sinabi niya. Kainis kasi ng dahil sa mga paasang linya na yan sawi parin bestfriend ko.

Napaupo tuloy ako sakanya. Nag bounce pa ako kasi ang lambot ng kama.

Medyo nahiya ako sa posisyon namin pero nawalan na ako ng pake ng dahil sa inis.

Tinapos ko na mag-ayos ng gamit niya kaya lumabas na ako sa kwarto niya.

At ang tagal talaga niya. Hay.

Umupo muna ako sa sofa niya at bigla nalang pumasok sa isip ko ang relasyon namen.

Ano nga ba kami? Kami naba? M.U? May gusto ba siya sakin? O pinaglalaruan lang niya ako?

Ako, sigurado na mahal ko siya. Pero siya kaya? Mahal ba niya ako? Ang daming tanong sa isip ko pero ni isa wala akong sagot.

Isinantabi ko muna ang mga tanong sa isip ko at pilit na pinapagaan ang loob ko.

Bigla naman nag vibrate ang smartphone na nabili ko.

Nakapag-upgrade din ako.

Nakita ko na nag flash sa screen ang number ni Max.

Max Tandoc Calling...

Sinagot ko na dahil ayoko naman maging bastos.

Pormal lang ang nagingpagbati ko. Nothing special.

"Hello Max?" Tumikhin pa siya bago siya magsalita.

Gusto ko man mag sorry dahil sa ginawa sakanya ni Xander pero hindi ko naman alam ang kwento kaya nanahimik nalang den ako.

"Are you available? Labas sana tayo. I want to date you formally."

Oo nga pala.. Nangako ako kay Xander na hindi ko na siya papayagan manligaw sakin.

Pero paano ko sasabihin? Yung tipong hindi siya masasaktan.

Pero pwede ba yon? Yung hindi ka makasakit pag nambasted ka?

Hay!! Ang hirap naman neto mga bessy!

"Umm, sorry Max. May lakad kami ni Xander eh. Umm.. maybe nex--"

May biglang humablot ng phone ko kaya napatingkayad ako at muntik ko na siyang mahalikan.

Bigla kong nalimutan na hinablot niya ang phone ko.

Shet. Ang gwapo.

"You heard her fcker, we have a date. Stay away from her. Or else Ill be the one to punch you first without any hesitations."

Ibinaba niya ang phone at tinitigan ako.

At yun lang nakapagbalik sa huwisyo ko.

"You said you'll never talk to him." Patay. Selos nanaman to.

"Sorry na. Ayoko naman maging bastos eh. Hahanap ako ng tyempo okay?" Kahit hindi ko siya syota feeling ko hindi tama na ligawan pa ako ni Max.

Napahilamos siya ng mukha niya. Frustration is evident on his face.

"I-im sorry. Masyado na akong... urgh! Nevermind. Lets go. Punta na tayo sa apartment mo para makapag palit kana."

Hinayaan ko nalang siya at sabay na kaming lumabas.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon