Alelie's POV
Sinilip ko ang cellphone ko at 1am na. Pero hanggang ngayon gising na gising parin ako.
Gusto ko man matulog hindi ko magawa. Bigla biglang pumapasok sa isip ko ang mukha ni Valak.
Nagdasal na din ako pero sadyang hindi talaga ako makatulog.
Natural na siguro saakin ang maging matatakutin. Hinding hindi ako makakatulog ng walang katabi.
Hindi din ako makakapunta sa banyo dahil lang sa sobrang takot ko!
Gusto ko man tawagin si Meghan para malibang ako pero mangiistorbo paba ako ng ganitong oras!?
Grabe!! Hindi ako makapikit!
Kinakalma ko ang sarili ko pero naiisip ko parin siya!
Kakapalan ko nalang ang mukha ko lalo.
Dala dala ang unan ko lumabas ako sa kwarto na tinutulugan ko at pumunta sa tapat ng kwarto ni Xander.
Pero hindi pa ako kumakatok nakarinig ako ng mga yapak galing sa kusina.
Napalunok na ako. Putek!! Si Valak ba yan? Ay!! Sana wag naman po! Haaay!
Natulos na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam gagawin ko.
Ang imagination ko ang likot likot! Grabe naman kasi! Bat ako pinanganak na matatakutin!?Sigurado ako na malapit nalang yung mga footsteps! Putek!!!
May humawak sa balikat ko kaya naman napasigaw na ako!!!
"AAAAAAHHH!!! ALEXANDERRR!!! LUMABAS KA DIYAN!!!!" Napaluhod nalang ako sa sobrang takot!!
Pakshit ng Conjuring 2 na yan!! Anak ng putcha yan!!!
"Napapano ka?! Ako lang to! Anong problema?" Agad siyang lumuhod para tignan ako.
Pero wala na akong nagawa kung hindi umiyak at yumakap sakanya.
Hinding hindi na ako manonood non! Anak ng argh!
"Hey, its okay. Im here. I wont leave you." Tumango lang ako at kinakalma niya ako.
"Bat kaba nandito? Kumuha lang ako ng tubig sa kusina eh. Tas hinawakan ko lang balikat mo sumigaw kana. Napano kaba?" Tatawanan kaya niya pag sinabi ko dahilan ko?
"Uhm... Kasi.. diba nanood tayo movies? Eh sa natakot ako sa Conjuring 2! Kung ano ano na pumapasok sa isip ko! Puro mukha ni Valak!" Yumugyog ang balikat niya. Alam na.
"Hoy! Wag mokong tawanan! Pasimuno ka eh! Akala ko light movies lang na action okaya comedy! Ginawa mo pang horror!" Pinaghahampas ko siya.
Ayan! Todo tawa na siya! Mapang asar talagaaaa!!Hinintay ko muna siyang matapos tumawa putek niya.
"Pft! S-sorry na! I thought ita okay with you. Forget about the movie. Hindi yon totoo Alelie. They said its true but its such a long time ago. Anyway, bat ka nga nandito? May kailangan ka?"
Tinignan ko ang unan ko at ganon din ang ginawa niya.
"Tabi tayo matulog please. Hindi ako makakatulog ng walang kasama." Namumula nanaman ang tenga niya. Ano ba ibig sabihin niyan?
"S-sigurado ka? Lalaki ako Alelie. Pwede kitang irape o kung ano man." Tsk. Ginawa pa akong bobo.
"Oo lalaki ka. Pero kung may ganyan kang balak sa tatlong araw na pagtulog ko dito malamang sa malamang nagawa mo na yon unang araw pa lang. Tsk. Kung sasabihin mo naman na pwede mo naman gawin yon sa araw na to pwes wag kana magsalita, may tiwala ako sayo. Alam kong hindi mo gagawin sakin yon. Kilala kita." Okay. Extreme silence.
Ngumisi siya at umiling at binuksan ang pinto.
Pumasok na ako at agad na umupo sa kama.
"Dito ako sa left side. Ayoko sa right." Wala na siya magagawa nandito na ako eh.
"Ayos lang naman kung diyan ka eh. Ang tanong pagkagising mo nasaan kana kaya? Baka malikot ka matulog. Tsaka baka.. naglalaway at humihilik ka pala." Hinampas ko siya ng unan at sinapak.
"Hindi ah!! Baka ikaw! Hmp! Wag na nga! Magtitiis nalang ako! Kesa naman sa tumabi ako sayo at kung ano ano pang kinakatak mo!" Aalis na sana ako pero hinablot niya ako.
"Sorry na. Okay dito kana. Tara." Hinila na niya ako at nasiyahan ako dahil king size bed!!
"Yes! Buti naman! Hindi na ako matatakot masarap pa ang tulog ko!" Tumalon na ako sa kama. Wala na ako pake sakanya.
Kaya na niya sarili niya mga bes. Higa nalang siya kung gusto niya.
"Wag kang malikot. Baka totoo mga sinabi ko sayo ah? Just warning you." May nakakalokong ngiti na nakaplaster sa mukha niya.
"Hmp! Bahala ka! Matutulog na ako. Ikaw bahala ikaw may meeting bukas hindi akooo!" Humiga na ako at pumikit.
Unting unti na akong dinadalaw ng antok pero may biglang sumulpot na braso saakin.
"Sleep tight. Dont worry. Wala ka dapat ikatakot. Im here. Always." Pumikit ako ulit at dinalaw na nga ako ng antok.
***
Alexander's POV
Naalimpungatan ako dahil may paa sa bandang tiyan ko. The fck. Malikot nga siya matulog.
Tinignan ko ang posisyon niya at konti nalang talaga mahuhulog na siya.
Umiling ako at kinuha ang cellphone ko. Pinicturan ko siya ng may laway sa gilid ng labi niya.
Seems gross for others but for me its not. She's actually cute.
"Kung hindi lang kita mahal siguro binalik na kita sa kwarto mo dahil sa hilik mo." Napangisi nalang ako at pinilit kong matulog.
**
7am na nung magising ako. Been craving for tune so I guess Ill prepare breakfast for us.
Hinahanap ko ang katabi ko at hindi ko na siya makita. Early bird talaga. Pumunta ako sa left side ng kama para kunin ang indoor slippers ko pero nakaramdam ako na iba ang naapakan ko.
Tumingin ako at nakita ko siyang nakatihaya sa sahig.
Oh fck. Ang likot matulog! Dapat pala niyakap ko nalang para si mahulog.
Binuhat ko nalang siya at pinahiga ulit sa kama. Pagod yan sa trabaho. Pagpahingahin ko muna.
Lumabas na ako ng kwarto at nagbukas ng tuna. Nagluto din ako ng kanin.
Saktong pagkahanda ng lahat nakita ko na siyang lumabas at kinukusot kusot pa ang mata niya.
"Good morning amica mea! Breakfast is served!" Tinignan niya ang mga hinanda kong kape, gatas, liver spread, tinapay at tuna and rice.
"Walang silog for today? Hmmm... Not usual huh. Oh well tara kain na tayo! Sakto! Sorry pala napuyat ako eh. Di nako nakapagluto." She pouted and its cute.
"Its okay. Its my fault anyway. You can for today. Babawi din ako ng tulog ko." Tumango siya at nagsimula na kaming kumain.
Nag ring ang cellphone ko at si Dominic tumatawag.
"Hello Doms?... Why? Talaga bang kailangan ako?.... Mag alibi nalang kayo!.... Ayokong makita si Alien! Tangina mo din! Bye!!"
Fck! Ang kulit ni Liza! Tangina!
Kumain nalang ako ulit. At nagsalita siya bigla "pumunta kana. Trabaho yon. May tiwala ako sayo." Ngumiti siya.
With permission na niya so... okay gagawin ko. Aattend na ako. Okay.
"Wait prepare lang ako para makauwi ako agad."
Pumunta ako sa office ko sa kwarto at kinuha ang mga kailangan kong files and form para mapirmahan.
Sa pagmamadali ko natamaan ko ang table ko. Nahulog ang mga ballpen ko. Fck naman.
"Tangina katangahan nga naman oh." Pinupulot ko ang mga ballpen at nakita ko din sa sahig ang picture ni Alelie sa table ko na basag.
Ako naniniwala sa mga kasabihang matatanda. Na pag may nabasag may mgyayari.
Does this mean something?

BINABASA MO ANG
Game Of Love
General FictionAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...