16:BATI NA

3.7K 124 4
                                    

Alelie's POV

Lunes nananaman. Ibig sabihin may pasok. In short magkikita kami.

Papunta na ako sa condo niya. At as usual eto office attire na ang suot ko.

Magkikita nanaman kami. Ano sasabihin ko? Grabe bat ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito dati eh. 

Dapat ba akong mag sorry kasi ginawa ko sakanila yon ng kahalikan niya? 

Masama ba na umasa ako na may gusto pala siya saakin? 

Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako. 

Nagbayad na ako kay mamang driver at humakbang na patungo sa unit niya.

Papalapit palang ako feeling ko naninikip na dibdib ko.

Sa kaba? Ewan. Excitement? Siguro... Dahil miss ko siya? Pwede?

Hay ewan!! Ng nasa harap na ako ng unit niya ay inenter ko ang password.

Ako nga lang daw nakakaalam ng password niya eh. Ako naman itong si tanga kinilig.

Pagkapasok ko agad akong sumilip kung gising na siya.

Hindi ko naman nakita ang anino niya kaya agad na akong nagtungo sa kusina.

Pinagluto ko lang siya ng Tapsilog dahil ang pinakagusto niyang pagkain ay ang mga may Silog sa huli.

Pilit kong binibilisan ang bawat galaw ko. Gusto ko nga mauna na ako sa office eh.

Madalas kasi na palagi kaming sabay. Sa sasakyan naman palagi kaming nagaasaran. Nakakamiss din pala.

Napabuntong hininga nalang ako. Parang kelan lang na ang ayos namen.

Dapat kasi mas natuto akong magtago ng nararamdaman ko eh.

Kainis. Inihapag ko na ang niluto ko at pinagtimpla ng brewed coffee.

Isa pa niyang paborito yan. Sa tagal namin magkasama natutunan ko na ang mga gusto niya.

Halos parang asawa na nga ang dating ko eh. Sa pagkain, damit, at kung ano ano pa.

Sakto naman na hinuhugasan ko na ang pinaglutuan ko ay nagising na siya.

Shit eto naa.... Para akong maiihi na natatae na ewan!

"G-good morning sir. Eto na po y-yung breakfast." Nauutal utal kong sabi.

Ayaw ko siyang lingunin. Feeling ko pag nakita ko siya maiiyak ako. Kasi naalala ko yung ngyari sa office niya.

"Kumain kana?" Simpleng tanong lang pero parang gusto kong magtatatalon sa saya.

"Ah, oo. K-kumain n-na." Tinapos ko na ang mga hinuhugasan ko at nagpunas na ng kamay.

Humarap ako sakanya at sinugod nanaman ako ng hiya.

Pero bat ganon? Mukha siyang drained at pagod na pagod? Not the usual Alexander.

Nagipon ako ng lakas ng loob para mag sorry pero wala den. Umalis na ako sa kitchen at dining niya at pumunta sa living room.

Kumuha ako ng libro sa bag ko at nagbasa. Ugali ko na to. Ang magbasa pag ayaw ko siya kausapin.

Siyempre ayoko naman siya kausapin ngayon dahil nakakahiya.

Para na din akong umamin sa tono ko eh. Mapapasabunot nalang ako sa sarili ko eh!

Nakakabaliw! Ang sarap magtatatalak sa sobrang frustration ko.

Malapit na akong matapos ng narinig ko ang kalampag sa kusina.

Sumilip ako sa kanya at nakita kong nabasag ang baso niya.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon