Alelie's POV
Nandito na kami ngayon sa terminal ng bus sa bayan. Ihahatid daw nila ako.
Si Nicolette ayaw sumama. Iyak lang ng iyak. Naawa man ako sakanya ay hindi ko naman magawang paalisin si kuya.
Ayokong may mapahamak nanaman dahil lang sa tatanga tanga ako.
"Magiingat ka doon anak. Wala kami ng kuya mo para protektahan ka. Palagi kang kakain. Yung cellphone na binigay sayo ng kuya mo dapat palaging may load at dapat palagi ka namin na kokontak ha? Wag kang pasaway. Ayusin mo doon. Ingatan mo ang sarili mo."
Natawa ako kay nanay kahit na puro luha na ang bumabagsak sa mata ko.
"Opo nanay. Mag iingat po ako." Niyakap ko na si nanay at si kuya naman ang hinarap ko.
Wala pa akong sinadabi lalo pa akong naiyak. Niyakap ko si kuya at niyakap din niya ako pabalik.
"Mag iingat ka don Nicolai. Mamimiss ka ni kuya. Tumawag ka agad pagkadating mo ah? Binilin na kita sa kasamahan ko doon. Yung posisyon na para sakin binigay na niya sayo. Ayusin mo trabaho mo ah? Pinagbigyan kita sa gusto mo kaya ang magagawa mo nalang para saamin ay ang mag ingat. Okay?" Tumango tango pa ako.
Humalik na sa noo ko si kuya at hinalikan din ako sa pisngi ni nanay. Sumakay na ako ng bus at nag wave ng kamay ko.
Mamimiss ko sila...
****
3 na oras amg biyahe magmula Tarlac hanggang Manila.
Ang bagal naman kasi ng bus eh. Hay nako.
Tumingin ako sa paligid at nasa expressway parin pala kami.
Lahat ay halos mahimbing ang tulog. Mag gagabi na kasi. Alas kwatro ng hapon ako umalis. Tinignan ko ang orasan ko at 6:36 na. So isang oras pa.
Tinignan ko yung resume ko na gawa ni kuya at ang binigay niyang guide lines at brochure ng kumpanya na papasukan sana niya dapat.
MARLODEVARDO Group of Companies
Bago ako umalis ay nag search muna ako.
Yung pangalan ng kumpanya ay pinagsama samang apilyido ng mga may-ari.
Ayon sa research Martin, Deverell, Arce, Lopez, at Mercado ang meaning ng MARLODEVARDO.
Magkakaibigan daw sila na hawak halos lahat ng negosyo sa Pilipinas.
Ang bongga naman nila. Sabi din nila na isa daw sila sa mga pinakapogi sa siyudad.
Ang trabaho ko ay sa secretary ng nasa Finance Department. Babaeng matanda soooo inisip ko na masungit. Pero keri lang naman siguro.
May titirahan na din ako doon. Malapit lang sa kumpanya. Doon kasi nakatira yung bestfriend ni kuya si ate Daisy.
Ewan ko ba bat hindi pa magkatuluyan ang dalawang yan.
Napailing nalang ako sa naiisip ko at binasa iyong brochure ulit.
Nakasaad din dito na tatlong taon palang ang kumpanya nila pero successful na successful na.
At isa sila sa mga pinakamayaman sa buong Asya dahil galing silang lahat sa mga mayayamang pamilya.
Di ko na namalayan na nasa Manila na pala kami. Agad kong kinuha ang gamit ko saka na bumaba.
Agad ko naman nakita si ate Daisy. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nakakamiss kaya siya.
"Ate! Namiss kita! Ang tagal mo na di bumabalik. Pati si kuya miss kana." Nakita ko siyang namula.
Bagay kaya sila. Gwapo si kuya, maganda din si ate Daisy. Morena pero ubod ng ganda. Si kuya naman gwapo. Maganda din pangangatawan niya. Pareho sila. Hay nako. Daldal ko na.
"Ikaw talaga. Lakas mong mangasar! Osya tara na. May taxi na doon uwi muna tayo tas ipapasyal kita." Tumango tango naman ako at tinulungan niya ako sa mga gamit ko.
Habang nasa taxi ay di ko mapigilan mabilib sa Manila.
Oo madaming tao at medyo marumi. Pero kung madisiplina lang ang tao maganda dito.
Wala pang 15 minutes ay nandito na kami. Malapit lang pala.
"Dito yung apartment ko. Kung papasok ka naman ng trabaho 10 minutes walk pwede na. Kung hindi naman traffic pwede ka mag jeep. 5 minutes nandun kana." Tumango tango ako.
Nag-aaral pa si ate. Nagscholar kasi siya dito. Architecture ang kinukuha niya.
Nasa tapat na kami ng isang gate. Ang akala ko nung una siya lang magisa yun pala building siya.
At may apat pang nakatira. Yung kay ate Daisy nasa dulo.
"Ito naman yung apartment ko. Since ang school ko ang nagbabayad ng bahay na ito wala kana gastos. So bali ang gastos lang natin pagkain."
Kung ano ano pa ang tinuro sakin ni ate. Magmula sa mga palengke, schools, at iba pa.
Mukhang mahirap pero kakayanin naman.
Matapos ng konting intro namalengke muna kami ni ate. Nag share ako ng 500 pesos. Dalawang linggo na iyon.
Ganon din si ate Daisy. Bali 1000 ang aming budget sa pagkain. Sabi naman niya medyo mura ang mga bilihin dito kaya pwede na sa isang buwan ito.
Namili kami ng kung ano ano rekados. Isda, gulay, karne, manok, at konting pang rekados at prutas.
Umuwi na kami at nagpresinta na ako na magluto. Agad naman na siyang pumayag.
"Ate, buti hindi ka nahirapan dito? Siempre madaming tao tapos ikaw pa mag isa."
"Sanayan din lang Nicolai. Tsaka iisa lang naman ang routine ko. Aral at uwi lang. Minsan lang ako lumabas kasama mga kaibigan ko. Lalabas man kami at umuwi ako ng gabi gagawa din kami ng projects at plates."
Malapit na matapos ang niluto kong Tinola.
Nakipag kwentuhan pako ng konti at naghain na kami ni ate.
Tahimik lang kaming kumakain. Ng bigla siya mag open ng topic.
"Yung palang trabaho mo? Kelan ka magsisimula?"
"Bukas pupunta pa ako doon para mag pass ng resume. Tanggap na daw ako pero for formality lang daw. May koneksyon kasi si kuya kaya madali siyang nattangap pero agad kong kinuha kasi mas kailangan siya don nina nanay."
Tumango tango lang siya at uminom na ng tubig. "May isusuot kabang pang formal at pang opisina mo?"
Napaisip naman ako bigla... Wala pa nga...
Napakagat ako ng labi ko. Pano ako neto? Ano mag papants ako pati tshirt? Hindi pwede ah. Dapat desente parin.
"Alam ko ang mukhang yan Nicolai. Osige may mga damit akong pang opisina dito. Ginamit ko dati noong may activity kami sa school. Ikaw na muna gumamit tutal wala din naman ako gagawin sa nga yun."
Nagliwanag naman ang mata ko at agad kong niyakap si ate.
"Salamat ate!! The best ka talaga!" Tumawa lang siya saka ako hinarap ng seryoso.
"Magiingat ka lang dito Nicolai. Madaming pwedeng mgyari. Manila na ito. Hindi lang ito sa probinsya. Okay? Ipangako mo sakin na iingatan mo sarili mo. Lalo na pag wala ako dito." Nakakakaba man ay tumango ako.
"Ito pala inhaler. Binilin sakin ni Nick yan. Yung asthma mo baka sumumpong daw. Ito din pala yung duplicate na susi. Pag gagabihin ako ay matetext ako agad. Ganon ka din dapat para may update tayo sa isat isa okay? Pag may problema agad kang tumawag saken. Yung ilagay mong emergency number sa opisina mo yung number ko ha? Para naman di na mag alala ng bongga ang kuya mo. Hm?"
Tumango ako at inalala mentally ang mga sinabi ni ate.
Mag iingat talaga ako. Para saakin ito at sa pamilya ko.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Fiksi UmumAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...