11:MALING AKALA

3.9K 129 5
                                    

Alelie's POV

Nasa bago na niya kaming sasakyan nanaman. Mayaman talaga.

Nainis nanaman ako ng maalala ko na ikakasal na pala siya.

So ano? Gagawin pa niya akong witness? Tsaka teka? Bat ako naiinis?

"Wait nga lang Alexander. Ano bang gagawin ko sa kasal mo? Bat mo pa ako pina ayos eh alam ko namang wala akong gagawin don." Nangunot ang noo niya na agad din naman nawala at tinignan ako

"You'll see. Just sit there. And by the way.... you... you look good. It suits you." Napangiti ako. First time na may mag compliment sakin na lalaki na may ganyang adorasyon.

Nanahimik nalang ako at kinagat ang labi ko para pigilan kong ngumiti.

Nasa harap na kami ng munisipyo at nagtaka naman ako. Bat hindi sa simbahan?

Hindi nalang ako nagtanong at bumaba na. Nung nakarating ako sa tabi niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Biglang may nagrambolan sa puso ko. Shet! Ano ba tong nararamdaman ko!

"Oh! There you are! Ang tagal niyo! Witness nga ubod naman sa pagka Pilipino! Late kana nanaman!" Binungaran kami ng isang matanda ngunit napakagandang matanda.

"Sorry tita. Matagal pa may ayos itong kasama ko. Pasensya na kayo" Bigla naman ako napansin nung babae at tinignan akong mabuti.

Napayuko ako dahil baka ang panget ko. Mahilig talaga to na ipahiya ako eh no?

Naglakad na kami papasok at nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng puting dress.

Ang ganda naman niya. Para tuloy akong nainsecure.

Nakatulala na pala ako kaya naiwan ako sa gitna. Agad naman akong pumunta sa isang side para tumabi.

Shet kahiya. Ilang minuto pa at nasa harap na yung babae. Pero hindi si Alexander yung nakita kong lalaki.

Huh? Diba ikakasal siya? Nakita ko siyang nasa likod lang nung lalaki na hindi ko kilala.

Nagsimula na magseremonyas yung judge at ayun nga kinasal na yung dalawa.

Pagkatapos nung kasal ay may pinirmahan pang kung ano si Alexander.

Nung papalapit na si Alexander di ko maiwasan magtanong.

"A-akala ko ba ikaw yung i-ikakasal? Diba meron kang form nung babae? Yung Meghan? Sino yung lalaki kanina?" Turo ko pa dun sa lalaki na di ko parin talaga makita ang mukha.

"Meghan is the wife of Aston. Yung nakita mong naka fill up na form may papel pa sa likod non. Yun naman yung kay Aston. Meron din ako kasi kailangan talaga. Kasi ako ang WITNESS ng kasal nila."

Napatunganga nalang ako. So? Wala dapat ako ikainis? Eh bat nga ba ako naiinis!? Ay! Putek!

"Sa susunod bago ka magselos at magkaroon ng maling akala magtanong ka muna. Okay honey? Lets go pupunta na tayong dinner." Ngumisi siya saka ako nilagpasan.

Eh sa hindi nga ako nagseselos eh!!!!!!

Tsaka anong honey!? HAY!! KABWISIT PARIN TALAGA SIYA!

****

Nandito kami ngayon sa harap ng isang magarbong restaurant. Elegante na elegante. Halatang mga mayayaman lang ang kumakain dito.

Bumaba na ako at hinintay ko siya.

"Lets get inside. Everyone is waiting for us." Naglakad na kami papasok at nasa dulo sila at nakaupo na.

"Sorry di kami nakasunod agad." Tumango nalang yung matandang babae kanina na ina yata ni sir Aston.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon