43:COLD

3.1K 111 8
                                    

Alelie's POV

After ng bakasyon ay kinabukasan agad kaming pumasok sa trabaho. Sa sobrang dami ng trabaho ay hindi na kami nagpansinan halos ni Xander.

Kahit ang kumain, nakaligtaan na namin. Ang dami daming mga papeles na naipon sa tatlong araw na wala kaming lahat. Grabe ang mga business nila eh. Super dami.

Kinalimutan ko muna ang paglalandian namin ni Xander at nag focus muna sa trabaho. Pero pansin ko madalas siyan pasilip silip sa cellphone niya na para bang may hinihintay. Pero kinalimutan ko muna iyon dahil sobra ang trabaho.

Sa buong araw na nandito kami sa opisina, tahimik lang siya. Hindi siya nangungulit, so ibig sabihin seryoso siya sa ginagawa niya. Happy naman ako dahil seryoso siya sa trabaho niya.

"Alelie, yung report mo para sa monthly assessment ng kumpanya asan na?" Dahil sa seryoso siya ay bjnigay ko agad.

Professional lang dapat muna. Bawal muna ang kerengkeng Alelie. Chill ka lang okay? Okay.

"Eto na yung monthly assessment. Gaya ng pinapagawa niyo, binigyan ng tigisang sheet of paper na may kailangan i fill up ang mga employees. At parte na ako doon. Doon naka indicate kung kumusta ang mga trabaho nila at trato ng mga ibang boss pag wala kayo. So okay naman sila. Halos 100% ang result ng good services. Kaya maganda ang takbo ng employees sa kumpanya. No need to worry." Tumango lang siya at naupo na ako at pinag patuloy ang pag sosort ng mga papeles niya.

Chineck ko naman ang planner ko para sa mga meetings niya at may tatlo pa siyang meeting ngayong hapon kaya panigurado na gagabihin siya.

"Umm.. Sir, may meeting kayo by 2pm sa Starbucks with Ms. Cortez. Hanggang 4pm yon. Then 4pm may meeting kayo with the Finance Department. Then by  6pm meeting niyong mga owners. Then you can go home." Tumango lang siya at tinignan ang orasan.

Gusto ko man itanong kung sino si Ms. Cortez na yon ay hinayaan ko nalang. Were professionals. At mahal ako ni Xander, alam ko yon.

Pagkatingin niya sa orasan ay napabalikwas siya at nagmamadali.

"You go home. Just take home all the other paperworks. Gagabihin ako. And dont forget to lock the door. Call me when somethig happens. Okay? I gotta go. Bye." Sa pagmamadali niya, hindi ko na natanong kung bakit nagmamadali siya. 1pm palqng naman ah? Usually mga late yun sa meetings niya eh.

Tsaka... bat walang 'I love you'? Hindi ako sanay.

Bat ganon?

Kesa sa magisip ng nega ay pinagpatuloy ko nalang ang tranaho ko. Nakinig nalang ako sakanya na umuwi at iuwi ang ibang trabaho. Inuwi ko na lahat para hindi ako ma bored sa bahay. At least may ginagawa ako.

Pagkauwi ko agad na akong nagsaing at nagluto ng siingang at naglinis. Pagkatapos ko doon naligo muna ako at nagsuot ng komportableng pambahay na cotton shorts at plain na tshirt na maluwang.

Nagsimula na akong magtrabaho at hindi ko na napansin na 7pm na pala. 6 hours pala akong nag ayoamng papeles at nag compute. Hay nako.

Buti nalang talaga may microsoft excel at may formula kaya hindi ako nahihirapan sa pag compute.

Hinintay ko si Xander para sabay na sana kaming kumain pero 9pm na wala parin siya. Naghintay pa ako ng isang oras at nanood ng movie pero wala parin siya. Dahil sa hindi ko na natiis ang gutom ko ay kumain na ako.

Medyo nagtatampo ako pero hinayaan ko na. Pagkakain ko ay natulog agad ako dahil sa sobrang pagod ko.

***

Pagkagising ko wala paring Xander ma nasa tabi ko. Tumingin ako sa cellphine ko at may sticky note.

Pumasok kana agad. Nauna na ako. Ingat ka.
-Xander

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon