9:HALATA

3.9K 135 3
                                    

Alelie's POV

Ilang weeks naden after kong mapunta sa puder ni sir Alexander.

Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Nakapagpadala na din ako kina nanay na pang araw araw at pang enroll ni Nicolette.

Pero isa ang bagay na hindi mawala saamen. Ang mag asaran.

Nakakabwisit man siya kailangan ko parin siyang pagtiisan dahil boss ko siya.

Kahit si ate Daisy nagsasawa na saaken dahil kwento ako ng kwento kung gaano siya nakakainis!!

Gaya nalang nung last three weeks. Nung naabutan ko siya sa condo unit niya na topless siya! Inasar pa ako!!!

***
Flashback

"Magdamit ka nga!! Hindi ka naman macho!" Napangisi siya.

"Ako? Hindi macho? Kung hindi ako matikas siguro nandidiri ka ngayon at hindi namumula dahil sa nakikita mo."

Wala na akong nagawa kung hindi hayaan nalang siya at magtiis sa nararamdaman kong pagkailang.

End of flashback

***

At ngayon napatunayan ko talagang babaero siya. May time na nagpunta ako sa condo unit niya at may mga kalat kalat na damit at condom. Putragis!

Naiinis ako pag naalala ko yon. Ewan ko ba! Dapat wala akong pake eh! Pero naiinis talaga ako!

Ilang beses na ngyari yon!!! Kahit apat na beses na siguro! Take note! Iba ibang babae bawat pagkita ko!!! Bwisit siya! Saksak niya sa baga niya ang mga mahaharot na yon!

Pag ako nainis puputulan ko siya ng birdie niya!

Pakshit niya!!!!

"Uy Nicolai! Basag na pinggan mo oh! Ayos ka lang ba?"

Natauhan ako dahil sa pagsasalita ni ate Daisy.

Grabe!! Nakabasag pa ako!

"Sorry ate. May iniisip lang ako. Napalalim ata masyado." Napakamot nalang ako at nilinis ko na ang plato ko.

Lunch time na at Sabado kaya walang trabaho!!! Woooh! Pahinga daaaay!

"Ate pahinga muna ako ah? Medyo hectic sa trabaho eh." Katatapos ko lang maglinis ng pinagkainan namin.

"Sige lang bhe. Tatapusin ko lang itong plate ko tas meryenda tayo ha?" Tumango ako at ngumiti.

Naghilamos lang ako atsaka na humiga. Malapit na ako mapunta sa Dream World ng mag ring ang phone ko.

Sir Alexander calling...

Hay nako! Anong kailangan neto!? Sabado ngayon!

"Hello? Anong kailangan mo? FYI sabado ngayon walang trabaho!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita.

"Pwede ba? Makinig ka muna bago dumaldal?! Ang ingay mo! Dadagdagan ko sweldo mo tulungan mo ako dito. Pumunta ka sa condo ko dalian mo. I need you here in 15 minutes"

Napanganga nalang ako! Pakshit! Wala pa akong pahinga!

Pero dahil may dagdag sa sweldo ay agad na akong bumangon at nagbihis ng casual.

Lumabas ako ng kwarto at si ate Daisy busy parin sa drawing niya.

"Ate, alis lang ako sandali. May importante lang ako lalakarin."

"Sige bhe, dalhin mo cellphone mo ah? Tumawag ka kung gagabihin ka. Magiingat ka sa daan."

Nag wave na ako at umalis.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon