Alexander's POV
Were on our way home. And by home, I mean the condo.
We spent four days at their province. And I think thats okay.
Pinuntahan na din naman namin dito noong isang araw sina NANAY at hinatid ko na ulit. Nag alburoto lang naman si love pero she can manage.
Si KUYA Nick naman okay na sa relasyon namin. Si BUNSO naman okay na din. Dati pa naman eh.
"Ano gusto mong ulam, love? Para naman magluto nalang ako. Parang ayoko ng fast food ngayon eh." She's texting and Im bothered.
"Before I answer sino ba yang ka-text mo? Kanina kapa nakikipag text." Tinignan niya ako at ngumiti.
"Ah! Si Mamsy kinukumusta lang ako. Sorry na sige na ito na titigil na. Soo? Ano nga gusto mong ulam? Daan muna tayo sa grocery." Tumango nalang ako. Nanay ni Max. Tangina ng Max na yun.
Nag park na ako at bumaba para pagbuksan siya. Agad kong hinawakan ang kamay niya at pinagbuksan na kami ng guard.
"Tara sa meat section tayo. Tas bili tayong stocks na sinasabi mo para sa bahay." Kumuha kami ng cart at agad ko iyon kinuha sakanya. Ayaw ko siyang napapagod.
"Love, gusto ko ng afritada. Pagluto mo naman ako. Alam mo naman iniwan moko ng ilang araw. Hindi ako makakain." Napatigil siya at tinignan ako.
"So ibig sabihin hanggang ngayon wala lang matinong kain? Alexander naman! Papatayin mo ba sarili mo?" Taklesa man siya, siya parin ang kaisa isang tao na nagpapasaya sakin.
Shit, so gay.
"Baka kung hindi pa kita nakasama talagang tigok na ako ngayon." Namula naman siya at nagpatuloy nalang.
Pustahan tayo kinikilig na din yan.
Namili siya ng poultry at nilagay sa cart. Yung salesman tingin ng tingin sakanya kaya naman hindi ko mapigilan mag alburoto.
"Isang sigundo pang tingin sa asawa ko ipapasisante kita sa boss mo." Tinignan niya ako ng masama kahit mag away kami mamaya bahala na.
Nagbaba ng tingin yung lalaki at nag sorry. Tinulak ko na ang cart agad at sumunod na pumunta sa fish section.
"Ang rude mo naman! Dapat ikaw ang nag sorry hindi siya." Namili nalang siya ng isda agad pumunta sa vegetables section.
Hindi niya ako pinapansin. Fck. Ganito ba pag mahal mo ang isang tao? Yung tipong may titingin lang magagalit kana? Yung tipong kahit wala naman ginagawang masama yung tao iisipin mo meron? Fck it.
"Tara na. Kuha na tayo ng dry goods. For emergency. Tsaka yung toiletries na kailangan mo kunin mo na." Bumuntong hininga nalang ako at sinunod siya.
Kahit mga kailangan niyang toiletries ako na kumuha.
Halos puno na yung nakuha namin at napagdesisyonan na namin magbayad.
Habang nilalagay ko sa harap ng cashier ang mga goods napansin kong ang sama ng tingin ni Alelie sa babae.
Sus, magseselos din pala.
"Pwede ba miss? Gawin mo ang trabaho mo? Nagmamadali kami kaya pakibilisan." Umirap siya and she looked at me.
I cant help but plaster a smile on my face. Fck it. Kinikilig ako.
***
Pagkatapos namin mag grocery agad na kami umuwi. Magluluto siya and I wont miss it for the world.
"Love, buksan mo na." Hinihintay ko siya pero nakatunganga lang siya.
"Oh? Bat hindi mo pa buksan?" I saw a pang of pain in her eyes.
"Baka pinalitan mo na yung passcode. Dati kasi birthday ko baka pinalitan mo na." Nilagay ko muna sa sahig ang mga plastic at tinype ang passcode.
"I didnt change it. Paano ko papalitan kung ni isang bahid mo sa condo ayokong alisin? Hindi ko pa nga pinapalaundry yung mga kumot at punda mo eh." Her face brighten and thats it.
Her smile is the best smile I ever saw.
Inayos namin ang mga grocery sa dapat nilang kalagyan at nagsimula na din siyang magluto.
Tangina buti nalan pinalinis ni Dominic ang condo ko.
"Sandali lang love ah? Ayusin ko lang mga gamit ko dun sa kwarto na binigay mo dati." Papunta na sana siya pero pinigilan ko agad.
"Oh? Bakit?" She gave me the 'umalis-ka-nga-sa-dadaanan-ko look'
"Well, naisip ko lang naman love, bat hindi pa tayo magsama sa iisang kwarto? Well, alam mo na, I love you, you love me. So, why not right?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Urgh, she wont agree.
"Sigurado ka?" Tumango ako at ngumiti.
"Hmmm, okay. Sige doon na ako matutulog. Wait lang okie? Pakitignan niluluto ko. Love you!" She gave me a quick kiss in the cheek.
Sweet.
***
Alelie's POV
Kumakain na kami at tahimik lang. Hindi yung awkward silence.
Yugng tipong peaceful naman."I think we need some house rules, love." Napatingin ako sakanya.
House rules? Grabe ah? Dorm?
"Okay. State your rules. Gagawa din ako ng akin." Kumain lang ako at bigla siyang tumigil.
Nilahad niya ang mga daliri niya at itinuro ang isa.
"One, We should sleep in one room. Two, dapat alam mo ang password at may card key ka ng condo. Your birthday is the password. Three, ayoko ng hindi ka nakatshirt at pajama pag may bisita. Gusto ko suot mo lang ang mga night gown at nighties mo pag tayo lang. Four, dapat sabay tayong papasok sa opisina, dapat din kasama mo ako kung aalis ka, unless kung pamilya, or GIRL friend ang kasama mo, strictly no boys, except for your brother of course. Five, dapat sabay din tayo umuwi. Six, gusto ko pag umaga may goodmorning kiss. Seven, gusto ko din na pag uwi may kiss. Eight, gusto ko palagi may kiss kahit sa trabaho. Nine, gusto ko pagluto moko breakfast, lunch, and dinner. Mas gusto ko luto mo kesa sa resto. And ten, just love me. Those are my rules." Tumango tango lang ako na para bang inaasar siya.
Pero sa kalamnan ko, sonrang kilig na ang nararamdaman ko.
"Okay. May three rules lang ako. One, okay lang na magsaya ka kasama ang mga kaibigan mo, provided uuwi ka dito ng kung ano ang dala mo nung umalis ka, yun ang dala mo ng uuwi ka. Two, gusto ko sa left side ng kama. At three, gusto ko pag lumalabas ka itetext moko kung nasaan ka. Kahit hindi mo na itext kung anong oras ka uuwi, basta kung nasaan ka, okay na ako. I trust your friends. Hindi ka nila ipapahamak." Ngumisi siya tumayo.
"Sooo? Binabakuran mo na ako?" Namula naman ako. Shemay oh!!
"B-bakit? Bawal ba? Boyfriend naman kita ah.. tsaka hindi kita binabakuran!! Gusto ko lang maging fair sayo! Siempre, hindi lang sakin iikot ang mundo mo no! Kailangan niyo din mag relax minsan. Lalo na kahit madami kayong naghahandle sa business sobrang dami niyong ginagawa. Gusto ko pag nagkayayaan kayo, wag mo masyado isipin na kailangan mong umuwi ng maaga para sakin. Basta gusto ko, alam ko kung nasaan ka, para pag kailangan mong magpasundo o kung ano man yan magagawa ko." Niyakap niya ako bigla at hinalikan.
"Thank you for being the best, love. I love you." Hinalikan ko din siya at ngumiti.
"I love you too." Nagngitian lang kami at hindi na pinansin ang pagkain.
"Soo... Those rules will be implemented now." Natawa ako sakanya at tinitivan lang siya.
"Definitely." Hinalikan ko siya ulit. And actually, I love the feeling of his lips on mine.
***
A/N: Sorry po sa super late update! Sobrang busy po sa school tas nag vacation pa po. Sooo! Eto na po ang update! (Kung may naghihintay man) hehehe! Love you guys! :* Merry Christmas and a Happy New Year din po! ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/70175858-288-k840064.jpg)
BINABASA MO ANG
Game Of Love
Ficção GeralAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...