Alelie's POV
Pagkatapos kong umiyak ng hapon na iyon umuwi na ako agad. Para bang wala akong gana para harapin siya. Pagkauwi ko din nagbalot ako ng pang tatlong araw na gamit.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagdala ako ng pera, at cellphone. May laman na 7,000 ang pera ko kaya naman malakas ang loob kong umalis.
Pwede kong puntahan si Meghan pero, buntis siya. Ayokong mastress. Isa pa, kahit sabihin nati hindi nakekelam si Aston sa problema ng iba, eh panigurado pag nagtanong si Xander sasabihin niya.
Si Crisel naman, okay lang. Pero nandoon din si Kevin eh.
Napagdesisyonan kong kah Joamne nalang dahil panigurado mapapakiusapan naman si Lucas. Maiintindihan ako ni Lucas panigurado.
Nag taxi ako at sinabi ang address ni Lucas. Nakatira kasi si Joanne kay Lucas. Eh maintriga ang mga yun. Para naman artista. Iwas ng iwas. Hay....
Ng makarating ako ay nagbayad ako agad at bumaba kasama ang backpack ko. Nag doorbell ako at pinagbuksan ako ni Joanne na naka pambahay lang pero ang ganda. Grabe.
"Oh? Alelie? Bat ka nandito? Tsaka di kaba pumasok? Wala si Lucas ngayon eh." Ng marinig ko na wala si Lucas. Ay yumakap ako agad sakanya at umiyak na ng malakas.
Hindi ko na keri.
"Si-- si-si X-xander... Ang d-dry niya sakin.. Ayoko ng ganon.. B-bigla s-siyang nagbago..." Humagulgol ako sakanya at hinagod lang niya ang likod ko na, para bang pinapakalma ako.
"Shhh... Tara na, pasok na tayo okay? Pag usapan natin ng maayos." Pinapasok niya ako at umupo ako sa sofa kahit na walang pahintulot niya.
Humahagulgol parin ako ng hagurin niya uli ang likod ko.
"Oh. Kain ka muna. Mukha kang stress na stress. Pumayat kapa. Hay nako." Kinain ko na ang sandwich na hinanda niya para sakin at orange juice.
Pagkatapos kong kumain ay pinaligpit niya iyon sa katulong. Stress eating yata ang tawag sa ginawa ko. Basta. Sa sobeang sakit ng nararamdaman ko eh napakain nalang ako.
Pinakwento ni Joanne ang ngyari at kinwento ko naman. Maigi siyang nakikinig at dinamayan ako, alam kong ganito din sakin ang iba kung sakanila man ako pumunta. Lalo na ang bestfriend ko talaga na si Meghan. Pero yung mga boyfriend kasi nila eh!
"Alam mo, baka naman stress lang din sila sa work. Eh kahit naman si Lucas minsan may tantrums dahil sa trabaho. Tsaka pag usapan niyo ng maayos, ang ayaw ko lang talaga is pinagalitan ka niya sa harap ng employee nila. Masama iyon bessy."
Suminghot singhot pa ako at nanahimik nalang. Tumawag naman ang kasambahay nila at sinabi na lunch na.
Grabe. Dalawang oras din pala akong nagdrama sakanya.
"Tara kain tayo ng lunch. Or gusto mo muna magpahinga?" Pinili koamg pangalawa niyang option at hinatid niya ako sa pansamantala na kwarto ko.
Pagkasara niya ng pinto ay namiss ko na siya agad. For me to stay here, without him. Without his smell, his presence... Mahirap.
Para maiwaski ang atensyon ko ay pinilit kong matulog, at least... kahit papaano. Makalimutan ko siya. Pero baka walang awa si Dreamland pati siya ang ilagay sa panaginip ko.
***
Pagkagising ko gabi na. At may tray na may laman na pagkain. Sinilip ko sa wall clock ng kwarto kung anong oras na.
10pm. Hay nakooo! Friday na bukas. Sa Saturday na ako uuwi. Saka... hindi naman niya ako hinahanap.
May sticky note sa tray at binasa ko iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/70175858-288-k840064.jpg)
BINABASA MO ANG
Game Of Love
Ficción GeneralAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...