Alelie's POV
Ang bilis ng panahon. Hindi ko akalain na three months na pala akong nagtatrabaho para kay Alexander.
Parang kelan lang. Magmula noong nakilala ko si Meghan naging makulay ang social life ko. Hindi boring.
Pimipilit ko ang sarili ko na alagaan ang pagkakaibigan namin. Dahil ayokong masira ng dahil lang sa clumsy ako.
Nandito ako ngayon sa bahay ni boss para ipagluto siya ng tanghalian.
Lasing eh. Hindi pa gising magmula ngayon. Tinext naman niya ako kahapon para sabihin na hapon nalang daw ako pumunta sakanya.
Well, okay naman kami. Palagi parin nag aasaran pero nasanay na ako.
Minsan naman sinusundo pa niya ako para sabay kami pumasok. Kaya yung iba pinag chichismisan ako.
Pero bigla ko naalala yung ngyari dati kaya medyo nailang ako sakanya ng konti. Pero ngayon okay na.
***
FlashbackIsang araw nanaman sa opisina. Maluwang ang schedule ni sir Alexander ngayon kaya parang free time ko din.
Lunch time na at hindi parin lumalabas si sir. Magpapaalam sana ako para umuwi at doon na kumain since malapit lang naman.
Pero naabutan ko siya lasing at nakahiga sa isahang sofa sa office niya.
Teka? Pano nalasing to? Eh nasa opisina lang?
Bigla ko naman naalala na may mini bar pala siya malapit na pantry.
Akmang gigisingin ko na siya ng bigla niyang hablutin ang pulsuhan ko at niyakap ako.
Bigla naman ako namula ng maamoy ko ang natural manly scent niya. Grabe ang bango.
"You know what? Nakakainis ka."
Sasapakin ko na sana siya ng tuluyan ng magising pero bigla naman ako natigil dahil sa sinabi niyang huli.
"Nakakainis ka nga pero bakit nagustuhan parin kita?"
Namula naman ako sa narinig ko. Nagrambulan ang nasa kalooblooban ko. Ewan ko ba kung bakit.
Lasing siya. Hindi niya alam ang sinasabi niya.
Imbes na magpaalam basta nalang ako umalis at iniwan siya at bumalik after lunch.
Pero may parte saaken na nagsasabi na totoo ang sinabi niya.
End of flashback
***
Magmula non palagi na siyang nasa isip ko. Pero nawalan na ako ng pag-asa na totoo yon magmula nung nakita ko na may kasama nanaman siyang babae sa condo niya.
Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak non.
Parang pinaglalaruan lang niya ako.
Para bang nasa laro kami magmua nung sinabi niya iyon at eto akong si umasa.
Biglang game over dahil parang sinabugan ako ng granada nung makita ko ulit ang iilang mga takete ng mga condom.
Naiinis man ako ay hinayaan ko na.
Ano bang karapatan ko diba? Wala. Sekretarya lang niya ako. Tsaka... hindi ko naman siya mahal.
Weh? Di halata Alelie ah? Sabi pa ng konsensya ko. Hilig talaga kumontra neto.
Nandito ako ngayon sa mall. Hinihintay ko si Meghan. Bestfriends na kami sa totoo lang.
Nagtext siya na nandito na siya kaya naman lumabas ako sa mall saglit para salubungin siya.
Nakita ko na ang sasakyan ni Aston kaya naman napangiti na ako.
Oo nagkakilala na kami at feeling close lang talaga ako. Pero ayos lang daw na Aston nalang since kaibigan ako ni Meghan. Sweet diba? Dahil kaibigan ako ni Meghan pwede ko na siya tawagin ng casual lang.
"Hello Aston! Pahiram muna ng asawa mo ah!? Promise! Ibabalik ko din siya ng ligtas at.buong buo!" Napailing nalang siya sakin at nagpaalam na.
"Uy Alelie! Bili tayo libro! May bagong release si Stephanie Perkins!" Madaldal din si Meghan kaya nagkasundo din kami.
"Sige ba. Tara na? Uy! Tingin din tayo accessories! Naexcite ako sa nakita ko dun kanina eh! Tas kain tayo sa Waffle House no?" Ngumiti siya at ayun nga ginawa na namin ang tipikal na ginagawa ng mag bestfriends.
Nung mapagod na kami ay pumunta na kami sa Waffle House at nag order.
Ng makaupo kami ay tinanong ko naman siya.
"Oh? Kumusta buhay may asawa? Mahirap ba?"
"Hindi no. Ang saya nga eh. Ton has been the best husband. He gives me Tender Loving Care everytime. Hindi ko man feel na asawa lang niya ako sa papel."
Oo alam ko. Nakwento niya saakin dati. Ganon na kami kaclose.
"Yun naman pala eh! Mahal kana nun gurlet! Hintay hintay ka lang."
Ngumiti naman siya ng tipid at binalingan ako ng tingin.
"Eh kayo ba ni Xander? Kumusta? Kayo naba?" Bigla naman ako nainis nung marinig ko pangalan niya.
"Tsk, aasa nanaman ako? Wag na ateng! Bwisit siya! Pinaglalaruan lang niya ako. Araw araw may dalang babae sa condo tas sasabihin gusto ako? Ano yon? Tangina diba?" Umiling nalang siya at dumating na yung order ay kumain na kami.
Tumingin ako sa orasan at malapit na mag 7pm. Magluluto nalang siguro ako kung magutom man ako ulit mamaya.
"Tara Alelie nasa labas na si Ton. Sabay kana samen." Nagsimula na kami maglakad at ng makalabas kami umunit nanaman ulo ko.
Nandito din siya.
"Hi queen. I missed you." Agad naman niyakap ni Aston si Meghan. Kinikilig naman ako dahil ang sweet nila.
Si Alexander dinedma ko lang.
"Hey. Pansinin mo naman ako. Pumunta ako dito para makita ka." Inirapan ko siya. Kikiligin na sana ako pero hinde eh.
Babaero siya. Madaming pinaiyak na babae. Hindi ako papaloko sakanya.
"Thank you. Ayan pinansin na kita. Masaya kana?" Akmang aalis na ako ng hablutin niya ang pulsuhan ko.
"Tara na. May lakad pa ang dalawang yan. Di kana makakasabay." Wala na akong nagawa ng isakay na niya ako sa sasakyan niya.
Buong byahe na wala kaming imikan ng may tumawag sakanya. At dahil nasa harap ko lang ang phone niya nakita ko ang pangalan.
Liza.
Putragis. Babae nanaman. Ang sakit sa feelings.
Kinuha niya ang phone niya at sinagot ang tawag.
"Hey... Tonight? Sorry I cant. I have company tonight... Okay. Maybe next time." Binaba niya kaagad at nilagay ulit doon ang phone niya.
At talagang may next time pa Alexander ha? Wow! Mapaglaro.
Ng nasa harap na ako ng bagong apartment na inuupahan ko ay bumaba na ako.
Oo, lumipat na ako. Wala na kasi si ate Daisy. Graduate na. Kaya umuwi na sa Tarlac.
Nililigawan na nga ni kuya si ate eh. Minsan tumatawag sakin si kuya para humingi ng tulong para manligaw.
"Salamat sa paghatid. Alis kana. Puntahan mo na yung Liza mo."
Nagmukha akong nagseselos pero... baka yun nga talaga. Papasok na sana ako ng bigla pa siyang magsalita.
"Liza is a nobody. Dont push me away." Hinarap ko siya at ngumiti ng mapakla.
"Hindi kita pinagtutulakan. Tsaka ano pabang gagawin mo dito? Diba wala? Kaya umalis kana." Magpapigil ka lang. Sige. Ill let you stay.
"Fine. Im going. Youre welcome by the way." Shit. Ang sakit.
Nagseselos ako. Ano naba talaga ang nararamdaman ko?

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Genel KurguAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...