27:LIVE IN?

3.3K 111 2
                                    

Alelie's POV

"Ate naman!!!! Extend pa kayooo! Wag ka muna umuwi sa Manila!" Pagmanaktol ni Nicolette.

"Hindi pwede bunso. May trabaho pa kami ni kuya Xander mo." Tinignan ko siya at wala din siya magawa. Pinapatawag na kasi siya nina Lucas.

"Sige Nicolette. Pangako sa birthday mo babalik kami. Sa October 30 diba?" Tumango siya.

"Sige pangako namin yan ni ate Alelie mo. Babalik kami tas bibilhan kitang maraming balloons at regalo. Ayos ba?" Kumindat pa siya at nagtatatalon naman ang isa.

"Yey! Nay!! Babalik daw sina kuya at ate sa birthday ko!" Kung kani-kanino pa niya pinaalam kaya naman nagpaalam na kami kay nanay.

Si kuya nagtrabaho na. Pero nakapag paalam na ako sakanya kagabi.

"Nay, alis na po kami. Mag iingat po kayo palagi. Mamimiss ko kayo nay." Yumakap ako ng mahigpit.

"Ikaw den. Nako ikaw na bata ka. Mag ingat ka doon. At ikaw naman iho ingatan mo ang prinsesa ko. Sakit ng ulo mo na siya."

Tumawa naman ng mahina tong kolokoy na to kaya sinikuan ko.

Hmp! Pinagtutulungan pako!!

"Osya byahe na mga anak. Para makapagpahinga pa kayo pagdating niyo don."

Sumakay na kami sa sasakyan na pinadala niya kay manong at pinagbakasyon din niya si manong dito.

Buti nalang pala dito yung probinsya niya.

"Uy, saan tayo pupunta? Hindi ito yung daan pauwi." Tahimik naman siya ngayon.

May lungkot, pagkaulila, at pagsisisi sa mata niya.

Hinayaan ko na siya. Baka bad mood lang talaga siya.

Pero bigla kong natandaan na daan pala to sa ETERNAL PEACE CEMETERY!!

Doon kasi nakalibing yung lolo at lola ko.

"Ano gagawin natin sa sementeryo? Sino pupuntahan natin?" Tahimik parin siya at bigla siyang tumigil sa tapat ng museleo na halatang bagong gawa.

Tinignan ko ang apilyido sa may gate at nakaukit ang D.

Tinignan ko din ang pangalan ng mga nakalibing at nakalagay ang

Edgar Simeon Domingo at Leonora Domingo

Sino tong mga taong to?

Binaba ni Xander ang bulaklak na dala niya. Hindi ko nga alam san niya nakuha eh.

At nagilaw ng dalawang kandila.

Nag sign of the cross siya at ganun din ako. Bumulong siya ng dasal at sinasagot ko naman yon ng dapat na response.

Ng matapos mag dasal may luha na tumulo sa mata niya.

It hurts seeing him cry.

"Hi lo, Hi la. K-kumusta diyan sa l-langit? Maganda ba? Sigurado ako komportable na kayo. Miss ko na kayo... Ako eto. Ayos lang. Umunlad gaya ng gusto niyo pareho para saakin. Naging babaero, mapaglaro.. Pero mukhang nagagalit na kayo sakin at binigay na ang karma ko."

Pinakinggan ko lang siya. Ako nandito lang palagi para sakanya.

"Alam mo ba lo, la? Pumunta ako dati sa bahay niyo. Pero.. p-p-patay na pala kayo.. Sorry... Sorry kasi hindi ko man lang kayo napuntahan.. Sorry w-w-wala ako nung kailangan niyo ako.." Umiiyak na siya.

Agad ko siyang niyakap. Not minding na umiiyak siya.

Kahit na asarin ko siya walang katapat ang sakit niya.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon