YR! IHS - 33 (AGAIN.. Are you jealous?)

5.5K 33 1
                                    

Chapter 33





*****EEZIE'S POV******






Nasaan na ba si Howard.




Kanina ko pa sya hinihintay dito..





Sabi naman ni Kent, kanina pa natapos ang klase nila. Mukha ngang may tinatago pa si Kent kasi nauutal-utal siya habang nagsasalita.







Kanina ko pa tinatawagan, hindi naman sumasagot..





Asan na kaya ang Pinocchio ko?




Nakita ko bigla si Feliz...





Alam kong magkaklase sila ni Howard..kaya tinawag ko siya..





"Nakita mo ba si Howard?" tanong ko sakanya.




"Si Howard? Ah! Oo! Hila-hila siya ni Caye kanina sa hallway eh. Hindi ko nga alam kung saan sila pupunta?"







Si Caye?





Na naman?






Dun na ko nakaramdam ng selos..

"Sige salamat.." sabi ko kay Feliz at nagpaalam na siya.

Wala man lang pasabi si Howard na may pupuntahan sila..




kaya nagpasya nakong umuwi ng mag-isa.






"Sabay ka na?" sabi ni Sky.



Bigla kasi dumaan..

Nakatingin pa sya sakin..


"Sige.."





Nasa likod lang nya ako habang naglalakad kami.




Nakakahiya nga eh, kasi pinagtitinginan kami nung mga nadadaanan naming students. Yung iba, iniisip na kami na. Nagbreak na daw ba kami ni Howard. Kasi nakita din daw nilang magkasama sina Howard at Caye kanina.






Naloloka na ko sa pagiging echusera nila kaya dineadma ko lang.










Nang makalabas kami ng Gate ng school, bigla siyang pumasok sa isang Convenience store.





Kumuha siya ng Dalawang coke in can sa ref at binayaran sa counter.




Inabot nya sakin yung isang can..





"Thanks!"


^_________^








LIBREEEEEEEE!!!











Nang makalabas kami ng Convenience Store,









"Sige! No problem.." narinig kong boses dun sa loob ng shop sa tabi ng Convenience Store..






Sa tingin ko ay parang si Glenn.







At nakita naman naming lumabas nung shop si Howard at si Caye..





Nakasmile pa si Caye habang nagkkwento kay Howard..

Nakita naman ako ni Howard at bigla siyang ngumiti sakin..



Tapos tumingin sya kay Sky...


Nang makita naman ako ni Caye, biglang nawala yung ngiti nya na parang sinira ko yung moment nila ni Howard..





"Pet!" tawag ni Howard. "Dude!" then tumingin sya kay Sky.








"Hi Eezie! Uuwi ka na?" tanong sakin ni Caye.



"Oo sana.." sabi ko.


"Hatid na muna kita Pet, then saka ulit tayo maghanap ng susuotin Caye.." sabi naman ni Howard

"Ah Pinocchio may ala- - - "

"May alam pa akong isang dress shop malapit dun sa bahay ng friend ko.." sabi ni Caye sabay tingin nya sa relo nya. "Pero mukhang malapit ng magsara yun. Bilisan na natin"


Tiningnan naman ako ni Howard.

"Okay lang. Sabay na kaming uuwi." biglang sabi ni Sky.



"Sige una na kami.." sabi ni Caye at hinila na nya palayo si Howard.


"Sorry Pet.."


"Okay lang. Ingat!"




^_______^





Pero deep inside, <////////3









Naglakad na kami ni Sky..





As usual, tahimik na naman..





"Selos ka?" bigla niyang tanong sakin..


Pangalawang tanong na niya sakin nyan a.


"Hindi." pagdedeny ko.


Ngayon ko lang napansin na nasa may park na kami...





Umupo siya dun sa may bench..



"Masama ang magsinungaling.. K. Bahala ka."

Tumahimik na lang ako..


Syempre, nakakaselos naman talaga yun eh.

Pero di ko na lang masyadong iniisip kasi para lang naman yun dun sa pageant nila eh...



Naiintindihan ko naman yun eh.


Malaki naman ang tiwala ko kay Howard eh..



Umupo na rin ako dun sa tabi ni Sky..




Bigla niyang kinuha ang phone nya sa bulsa nya at ...



O_______O





Pinicturan ako!! Takte!



Stolen shot yun men!





"Bakit mo ko kinunan ng picture?!!!!!" sigaw ko sakanya.





Pero parang wala syang narinig at ibinalik na ulit nya ang phone nya sa bulsa nya.




hinayaan ko na lang kasi bigla bigla kong naiisip kung ano ang ginagawa nina Howard at Caye sa mga oras na ito..



After ng ilang minutes, niyaya na akong umuwi ni Sky..


Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon