Chapter 48
Natapos na ang klase ngayong araw. Konte lang yung pumasok na mga estudyante dahil malakas yung ulan kaninang tanghali. Sabi naman ng iba, baka daw nastress sila sa Defense at hanggang ngayon ay nagpapahinga pa rin.
Pati ang magagaling kong mga kaibigan na sina Alex at Marj, ABSENT. Pati si Sky, hindi rin pumasok. Dahil 13 lang ang estudyante sa classroom namin ay maaga din kaming dinismiss ng last subject Professor namin. Nawawalan daw siya ng gana magturo dahil 13 lang kami.
Sumakay na ako sa taxi. Nagsimula na rin yung pagtakbo ng metro nito.
Tiningnan ko ang relo ko at 3:30 pm pa lang. Ang luwang luwang na rin ng daan ng makadaan kami sa Chinese Christian Elementary School. Maaga din sigurong natapos ang klase at kanina pa nag-uwian ang mga bata ngayon. Pag ganitong oras kasi dito ay napaka-traffic! Ang dami kasing mga magagarang kotse ang sumusundo sa mga batang nag-aaral sa private school na ito.
Pinatigil ko sa pagdadrive si Manong Taxi Driver ng may nakita akong pamilyar na bata.
Nagbayad na ako at bumaba ng taxi.
Nilapitan ko ang batang nakaupo sa mga makukulay at malalaking bato sa labas ng gate. Mukhang katatapos lang niyang umiyak dahil namumula pa rin yung mga mata nya.
"Naomi?"
Tumingala siya sa akin at kinusot ang mga mata niya. Bigla naman siyang napangiti ng makita ako. Tinabihan ko siya sa pag-upo sa mga batong nandun.
"Bakit ka sad? Bakit ka mag-isa dito?"
Hindi muna sumagot si Naomi at sumimangot ulit.
Nakita ko namang naglalakad si Sky sa kabilang kalsada. Nakayuko lang siya habang naglalakad at nakalagay ang mga kamay sa bulsa niya. Hindi kaya nadadapa ito habang naglalakad? Hindi naman kasi diretsong nakatingin sa dinadaanan niya eh. Tumingin sya dito sa direksyon ng school. Nakita naman niya kami kaya tumawid siya sa kalsada at lumapit sa amin.
"Kasi hindi pa po dumarating si Mommy na magsusundo sa akin." sabi niya.
Inayos ko yung buhok at yung suot niyang red na headband at pinunasan ang pawis niya. Kanina pa siguro siya naghihintay dito.
"Hatid ka na namin?" sabi ni Sky at lumuhod sa harap namin ni Naomi para magkakapantay na kami.
Umiling si Naomi at biglang ngumiti. Tapos hinawakan niya yung kanang kamay ni Sky at ang kaliwang kamay ko. Tumayo si Naomi at napatayo na rin kaming dalawa ni Sky.
"Kain muna tayo dun!" sabay turo niya sa napakalaking KH Mall gamit ang nguso niya.
"Baka dumating na yung Mommy at hanapin ka." sabi ko.
"Sandali lang naman po eh. KUYA SKY, SIGE NA PO. PLEASE!" pagpupumilit ni Naomi kay Sky.
"Hintayin na lang natin Naomi." sabi ko.
Bigla naman siyang nalungkot at nagpout. Kaya napapayag na rin kami. ESTE AKO LANG PALA dahil wala na naman sa mood magsalita si Sky ngayon.
Hawak pa rin nya ang mga kamay namin habang naglalakad. Wala atang balak bitawan ng batang ito eh.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...