Chapter 35
Pagkatapos naming kumain ni Sky ay bigla na naman akong napaisip.
Wala ba kong kwentang girlfriend?
Di ko magawang suportahan si Howard. Wala man lang akong na-contribute sa preparation niya para sa pageant na yun. Wala man lang akong naitulong kahit konte. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon. Pero ang alam ko lang ay magkasama sila ni Caye ngayon. Kanina pa ako naghihintay ng text niya, pero wala. Naiintindihan ko namang busy siya pero miss na miss ko lang talaga siya..
Sinamahan na rin ako ni Sky sa library para kunin ang mga naiwan kong gamit doon.
Dalawang oras pa bago ang pageant kaya niyaya ko muna si Sky na tumambay doon..
Matutulog muna siguro itong katabi ko dahil nakasubsob ang ulo niya sa table at nagbuklat pa ng libro para hindi mahalata ng librarian ang gagawin niya. Habang ako naman ay nakatingin sa Lockscreen ng phone ko.
Naghihintay na baka may maligaw na message ni "Pinocchio <3" sa inbox ko.
Tinext ko naman siya ng,
Goodluck Pinocchio. Yakang-yaka mo yan.
Pero alam kong hindi pa sapat yun.
Mahimbing na ang tulog ng katabi ko. Habang tinitingnan ko siyang natutulog ay dinadapuan na rin ako ng antok.
Nagbuklat na rin ako ng libro at ipinatong ang ulo ko sa table.. hanggang sa makatulog na ako.
Nagulat na lang ako ng may marinig akong malakas na tunog!
Nahulog pala yung makapal na librong Medical-Surgical Nursing.
aish! Nagising pa ako.. Inaantok pa rin ako.
Tiningnan ko ang wall clock sa loob ng library.
6:45 PM!!!!!!!!
2 hours and 45 minutes na akong natutulog..
Agad kong niligpit ang mga gamit ko.
Nakita ko si Sky na mahimbing pa ring natutulog.. Kaya ginising ko na siya. Katulad ko, tumingin din siya sa orasan at tiningnan ako.
Nang makita niyang nagliligpit na ako ay agad naman siyang tumayo at hinila ako palabas ng library.
Kinakabahan na ako.. Late ako sa pageant nina Howard. Sigurado akong hinahanap niya ako ngayon.
Pagdating namin ni Sky sa Auditorium, ang dami-dami ng tao. Nakikipagsiksikan pa kaming pumasok.. Dahil punong-puno ang venue.
Tumingin ako sa stage at yung emcee lang yung nagsasalita. Tumingin ako ng vacant seat sa harap pero occupied na ang lahat.
Tinawag naman ako ni Sky at umupo na ako doon sa tabi niya. May bakante nga, sa likod naman. Paano na yan? Makikita ba niya ako dito? Tsk. Asar naman ito. Bakit pa kasi ang takaw kong matulog..
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...