Chapter 41
Buong maghapon kong dina-dial ang number ni Howard. Pero parating out of reach naman. Napagod na ako kaya sumuko na lang ako. Mamaya na lang ulit. Baka masagot na niya. Naiinip na akong maghintay ng surprise nya, kung meron man.
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit ako binigyan ni Sky ng napakaraming chocolates. Bakit kailangan ko ng Mood enhancer??
Tumunog bigla yung phone ko at mabilis ko itong tiningnan.
1 message received
From: BOYFRIEND <3
Ngeee? Empty message? Walang laman? Nothing to display? Bakit kaya?
I dial his number, pero out of reach na ito. Hindi ko na naabutan nang naka-on ang phone niya. Nag-aalala na talaga ako kay Howard. Okay lang kaya siya?
Nakatulog na lang ako sa sobrang pag-iisip sakanya.
-------
Nagising na lang ako nang biglang magring ang phone ko.
Pero nasaan ang phone ko?
Tiningnan ko ang side table, pero wala. Hinanap ko ito sa buong kama ko, sa ilalim ng unan, pero wala pa rin.
Tuloy tuloy lang sa pagtunog ang phone ko.
"Aish! Andito ka lang pala." sabay kuha ng phone ko sa sahig.
Nagtaka na lang ako nang makita ko yung screen. May tumatawag na unknown number. At sa tingin ko, hindi ito taga-philippines. Hindi kasi +639.
Sasagutin ko na sana nang tumigil na sa pagring yung phone ko. Sino kaya yun?
Nilagay ko na lang sa side table ang phone ko.
Nakatingin lang ako sa kisame, naghihintay na tumunog ulit yung phone ko.
Ang tagal naman. -_______-
Howard Howard Howard!! 7:00 pm na! Magparamdam ka naman! Kainis!
Tumunog bigla yung phone ko at yung Unknown number ang tumatawag. Sino kaya ito?
"Hello?" sagot ko.
[Hello Pet!]
Pet daw oh! Pinaglololoko ako. -____- Pero kaboses ni Howard eh.
Ha? Ano daw? Pet! Tsk! PET SI PINOCCHIO YAN!
"Pinocchio! Asan ka ba?!" alam kong napataas yung intonation ko.
[Sorry Pet. Nandito kami sa L.A. kasama si Mama.] mahinahon niyang sagot.
L.A.? As in Los Angeles!
"Bakit kayo nanjan? Ang daya naman. Hindi ka man lang nagsabi."
[Ilang araw na naming binabalak ito. Pero kaninang umaga naging biglaan ang pag-alis namin. Magpapagamot si Mama eh. Sorry talaga.]
Ito na ba yung surprise niya?
[Anjan ka pa ba? Pet? Pet? Happy Monthsary pala.] Mukha siyang nag-alala nung hindi ako nakasagot. Pero masigla naman yung paggreet niya.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...