Chapter 62
HOWARD'S POV
"He's our schoolmate before." Patuloy nito.
Nakahinga agad ako ng maluwang. Ibig sabihin, kilala niya ito.
Nakakapagtaka talaga. Bakit okay lang naman kay Marj ang pag-usapan si Scott. Pero sa parents ni Eezie, iba ang impact sakanila ng pangalang yun.
"Schoolmate? Kilala ba siya ni Eezie?" Tanong ko. Mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
"May past sila ni Eezie pero nagulat na lang kami ng bigla itong mawala sa school." Sagot naman nito.
"Saan siya nagpunta?" Tanong ko.
"Who knows? Tsk. Why am I talking to you. Alis na ako." Tumayo na agad siya sa upuan niya. "Sya nga pala, pakisabi kay Mrs. Caye Guevarra, Congratulations! Galingan mo sa Honeymoon niyo mamaya." Sabi nito.
"Hindi natuloy ang kasal namin." Seryoso kong sabi.
Napatingin agad siya sa akin at tuluyan ng umalis.
May past si Scott at Eezie? Ang alam ko ay ako ang first boyfriend ni Eezie. Naging sila kaya? Ako ang first love niya. Hindi naman nakwento ni Eezie ang tungkol kay Scott eh. Ni hindi ko nga narinig sa kaniya noon ang pangalan na yun eh. Ngayon lang!
Masama agad ang naging kutob sa pag-iisip ng lahat.
Scott! Ano ba ang tungkol sa'yo?
"Hey! You know Eezie? Ellize Marich Hootkins." Biglang sabi ng isang babaeng nakatingin sa akin ngayon na galing sa likod ko.
Tumango ako sakaniya.
"I'm Chynna Sanchez nga pala. Schoolmate nila Eezie, Marj at ni Scott before." Sabi nito at inilahad ang kamay sa harap ko
Inabot ko rin ang kamay niya.
"Howard Guevarra. Eezie's ex-boyfriend." Sabi ko naman.
"Im sorry. I overheard your conversation with Marj kanina." Sabi nito at umupo sa tapat ko na inupuan kanina ni Marj. "May alam ako tungkol dun."
Tumingin pa ito sa paligid bago nagsalita ulit.
"But I think, this is not the right place to talk about that matter. Maybe we should move into a private place." Sabi nito.
Dahil sa nalaman kong alam niya ang tungkol kina Scott at Eezie ay napapayag na rin ako.
Lumabas na agad kami sa Chatime at sumakay ng taxi. Sabi niya ay pupunta daw kami sa bahay niya sa may Tinama Town.
Malaki at maganda ang bahay nito. Mukhang mag-isa lang siya dahil ang tahimik ng buong bahay niya.
Pinaupo niya agad ako sa sofa at pumunta sa kitchen niya marahil.
Tuluy-tuloy lang ako sa pag-iisip kay Eezie. Naputol agad ito ng dumating siyang may dalang tray na may lamang juice at slice ng cake.
Napansin kong nagpalit siya ng damit. Naka-loose black dress na siya kanina.
Umupo siya sa chair sa tapat ko at nagcross legs.
"Uminom ka muna." Sabi nito.
Tumango naman ako pero hindi ko muna ginalaw yung juice at cake nya. Atat na atat na akong malaman ang lahat. Gusto ko ng malaman ang lahat.
"Like what Marj said awhile ago. May past sina Eezie at Scott. M.U. sila before." Sabi nito.
Mutual Understanding? Wala namang nabanggit sa akin si Eezie na may naging M.U. siya dati eh. Nagsasabi kaya ng totoo itong babaeng ito?
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...