YR! IHS - 59 (Confusing)

4.4K 44 13
                                    





Hi guys! Im so back! :) Sorry po talaga sa pagkawala ko, masyado lang busy sa buhay. Haha

Dedicated kay @123cathreencullen dahil sa napakaraming comments niya. :)


Here's my update guys!

-----------------------------------------------------------------

Chapter 59

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang kakaisip sa ginawa at sinabi ni Howard kagabi. Ano yung sinabi niyang tatlong araw lang?

"Sigurado mahal ka pa nun!" sabi ni Alex. Kinwento ko kasi sakanila yung nangyari kagabi para mabawasan man lang yung mga katanungan ko.

"Malamang.. Simula pa lang mahal na mahal ka na nung lokong yun kaya walang duda hanggang ngayon mahal ka nun." sabi naman ni Marj.

"Galit ka kay Howard diba?" tanong ni Alex kay Marj.

"Galit mo lang? Galit na galit kamo. Tarantado yun! Iniwan ka, pinagpalit ka sa pangit tapos ngayon yayakapin at hahalikan ka. Hala gago! Paasa?!!" pagtataray ni Marj.

"Pakiramdam ko talaga Eezie, hindi naman gagawin yun ni Howard ng walang reason eh. Yung pakikipagbreak niya? Hindi niya gagawin yun ng basta-basta! Sobrang mahal ka kaya nun." sabi ni Alex at ipinagpatuloy na ang pagkain ng pizza.

Dahil walang pasok ngayon ay pinapunta ako ng dalawang ito dito sa Mall at nandito kami ngayon sa Greenwhich. Gusto lang daw nilang mabawasan yung stress ko at makapagkwento sakanila in person.

Biglang nagbeep yung phone ni Alex na nakapatong sa table.

Binasa niya ito at maya-maya'y may ibinulong kay Marj. Tapos biglang tumango lang si Marj. Mukhang ewan pa siya. Ano kaya yang chika nila?

"Hoy ano yan? Share niyo rin sa akin." sabi ko.

"Wala! Ang sarap ng pizza. Pero mas masarap si Kent." sabi ni Alex at nagpatuloy na sa pagkain ng pizza niya.

"Ang daya niyo naman." reklamo ko. "Sino yung nagtext? Ano yung chika mo kay Marj?"

"Oh siya! Si Kent yung nagtext! Sabi niya magready daw ako mamayang gabi!" masayang sabi nito.

Naniwala na lang ako sa sinabi niya para matapos lang ang usapan. Nahalata ko rin ang dahan-dahang pagsiko ni Alex kay Marj.

"Cinema tayo!" sabi ni Marj at hinila na kami ni Alex papalabas ng Greenwhich.

Pagdating namin ng 4th floor ay tumingin-tingin na kami ng magandang movie na papanoorin.

"Itong She's The One na ha!" sabi ni Marj at pumunta na sa counter para magbayad ng ticket.

"Upper o Lower Deck Ma'am?" tanong nung girl sa counter.

"Upper Deck tapos dito kami sa Number 47, 48, 49." sabi naman ni Alex.

Hinila na nila ako agad papasok ng Cinema 3 nang makapagbayad sila.

Pagpasok namin sa loob ay nagsisimula na rin yung movie.. Hinanap na namin at umupo dun sa Seat 47, 48, at 49.

Tutok na tutok ako sa panonood habang may kanya-kanya namang ginagawa yung mga katabi ko. Busy sa pagtetext si Alex habang si Marj naman ay naglalaro ng kung ano sa iPad niya.

"Tara samahan mo muna kami. Tara na!" sabi ng isang binatang lalake sa likod namin.. Familiar sakin yung boses niya pero hindi ko na lang pinansin kung sino yun. Maganda kasi yung story ng movie kaya ayokong maistorbo sa panonood. Ang gwapo kasi ni Enrique Gil kaya nakatutok talaga ang mga mata ko sa bigscreen.

Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon