Sorry at natagalan ha. Busy lang po.
Here's the update! :)
Vote and Comment para may inspiration mag-upload ng Chapter 59. :D
Enjoy!
==============================================
Chapter 58
"Ehemmm.. Ehemmm.."
Napamulat na lang ako ng mga mata ng marinig ko ang boses ng isang babae. Nang tingnan ko naman ay si Caye pala.
Hindi ko pala namalayan na nakatulog na ako at nasa tabi ko pa rin si Howard na mahimbing na natutulog.
Pagtingin ko sa wrist watch ko ay 11 pm na.
"Ako ng bahala sakanya." sabi niya at sinisimulan ng gisingin si Howard.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya dito.
Nagulat na lang ako ng makita ang kamay ni Caye na hinila ang kamay ni Howard. Dahilan para matanggal ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Tumayo na rin ako at nagpaalam na sakanya.
Umuwi na ako dahil dumating naman si Caye para bantayan si Howard.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng unit ko ng may mapansin akong Bouquet ng white roses dito sa labas.. Kinuha ko ito at lumingon sa paligid. Nagbabakasakali lang na baka nandito pa yung umiwan ng bulaklak.
Heto na naman itong white roses na ito. Kanino kaya ito galing? Wala man lang kasing note na nagsasabi kung sino ang nagbigay nito.
Pumasok na ako sa loob bitbit ang bouquet. Itetext ko sana si Sky para tanungin kong sakanya ba galing ang bouquet, pero wag na lang. Para hindi naman siya ang nagbigay, mapapahiya na naman ako.
Natulog na lang ako dahil mag-aalas dose na at may klase pa ako bukas..
**Kinabukasan - SCHOOL
"Good morning Ma'am!" masayang bati ni Manong Guard habang papasok ako ng gate.
"Good morning din po." sagot ko naman.
Hindi pa ako nakakalayo ng gate ng marinig ko ulit ang boses ni Manong Guard.
"Hoy Bata saan ka pupunta?" sabi nito.
"Kakausapin ko lang po si Ate Eezie.." boses ng binatang lalakeng kausap ni Manong Guard.
Nang tingnan ko naman ito ay si Henry pala. Nasiyahan pa ang mukha nito nang makita niyang nakita ko siya kaya agad na akong lumapit sakanya. Hinila ko na siya papalabas ng gate ng school.
"Ate Eezie sorry at naistorbo pa kita ha! Nakita kasi kitang papasok ng gate. Akala ko naman ay maabutan pa kita." sabi nito na pilit ngumingiti. Nakasuot pa siya ng Color black na polo at black na pantalon. Namamaga pa ang mga mata nito.
"Ayos lang yun. Mamaya pa naman ang klase ko eh. Tara't magbreakfast muna tayo."
Agad naman siyang pumayag kaya dinala ko na lang siya sa Cafeteria ng school. Nag-order ako ng pagkain para saming dalawa. Nang makuha na namin ang mga ito ay agad na kumain si Henry.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...