Chapter 47
Kanina pa ako naglalakad dito sa Mall. Ang dami ko na ring napamili pero wala pa akong balak umuwi. Feeling ko kasi kulang pa ang lahat ng ito.
Nang pumasok ako sa stall ng CELINE nakita ko agad si Lian na nagsusukat ng isang doll shoes..
"Eezie!" nakangiti niyang tawag sa akin.
Heto na naman siya sa pagiging fashionista niya. Ang gara ng damit nyang bagay na bagay sakanya. Namamangha lang talaga ako sakanya! Ako kasi, simple lang din kung manamit. Ok na ang T-Shirt/Blouse at Jeans sa akin. Ganun lang! :)
Agad siyang lumapit sa akin..
"Hi!" bati ko sakanya.
"Oh? Di mo ata kasama si Sky ngayon." tapos parang may hinahanap siya sa likod ko.
"Ngee! Hindi naman kami parating magkasama eh. Nagkakataon lang." sagot ko naman.
"Dahil nagkita na lang din tayo, magsama na lang tayo!" sabi niya.
Pumayag na rin ako sa gusto niya. Wala lang! Boring din kasi pag mag-isa ka lang nagsha-shopping.
"I'll buy this one! Pati yung sinukat ko kanina." sabi niya dun sa saleslady at iniabot yung dollshoes sakanya.
Binayaran niya na yung bibilhin niya habang tumitingin-tingin muna ako ng magugustuhan ko doon.
"Wow Eezie! Ang dami mo rin palang nabili.. Tara na?" sabi nya nang makabalik siya.
Habang naglalakad kami, tahimik lang. Wala kasi akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan.
"Wala ka na bang bibilhin?" tanong niya.
"Wala na. Ikaw?"
"Wala na rin. Busy ka ba ngayon? Uuwi ka na ba?"
"Hindi nawan. Ah Oo!"
"Ayos! Punta tayo sa bahay!" parang masyado siyang na-excite at hinila na ako papuntang Parking Lot. Hindi na rin ako tumutol sa gusto niya. Tutal wala rin naman akong gagawin ngayong araw.
Sumakay sya sa white na Chevloret. Tapos sumakay na rin ako dun. Hindi naman siya ganun kabilis magdrive. Moderate lang. At pati sa sasakyan, tahimik kami. Nahihiya pa rin kasi ako sakanya eh.
Pumasok kami sa isang Village at huminto siya sa isang malaking bahay. Bumaba na kami ng kotse niya. Sinalubong naman kami ng isang babae at kinuha ang mga dalang paper bags ni Lian na pinamili niya kanina sa Mall. Sa tingin ko ay katulong nila ito. Nakasuot kasi siya ng green daster. Ngumiti pa siya sa akin ng makita ako.
Maganda ang bahay ni Lian. Color white and blue ang combination nito. Two-storey ito at may malaking garage at garden.
"Welcome to my house Eezie" sabi niya nang binuksan niya ang malaking pinto ng bahay niya.
Pumasok na rin ako at agad bumungad sa akin ang napakalaking picture niya sa may Living Room. Mukhang sinadyang ilagay ang napakalaking picture dito para pagpasok pa lang ng bahay ay yun na kaagad ang makikita mo. Ang fierce niya sa picture na yun. Model nga talaga ang magandang nilalang na ito. Ang galing magproject sa camera!
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...