YR! IHS - 65 (Just feel it!)

6.9K 57 5
                                    


Chapter 65

Nagising ako ng may ngiti sa aking labi. Pagkatapos ng nangyari kahapon, ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. Parang wala na akong problemang naiisip pa. Sana lang, magtuloy-tuloy na ito.

Kinuha ko ang phone ko sa sidetable at nakita agad ang hitsura ng Pinocchio ko. Siya kasi ang nakalagay na wallpaper sa phone ko.

Pero nagulat na lang ako ng makita ko ang pangalan ni Marj sa screen na tumatawag sa akin. Ano na naman kaya ito?

"Hello?" Sabi ko.

[Eezie!!!!!!!!] nakakarinding sigaw nito sa kabilang linya.

"Oh? Ano yun Marj?"

[Si Howard. Aalis papuntang Moscow!!]

"Huh?! Bakit?!" Sigaw ko.

[Huwag ka ng magtanong-tanong pa jan! Pumunta ka na dito. Daliiii!]

Pinatay ko na agad ang cellphone ko at agad nagbihis.

Akala ko, okay na kami? Bakit na naman niya ako iiwan? Bakit na naman siya aalis ng walang pasabi?!!!! Nakakainis na siya ah!

Bakit pa siya pupunta doon? Akala ko, na-bankrupt na sila. Paano pa niya nagagawang pumunta ng Moscow?

At bakit naman alam ni Marj na pupunta siya ng Moscow? Tapos ako, wala man lang kaide-ideya na aalis siya?

Habang nakasakay ako sa taxi ay dina-dial ko na ang number niya. Pero out of reach! Ano ba talaga problema ng lalakeng yun? Pinatay pa ang cellphone niya.

Kinakabahan na naman ako sa nangyayari. Nakakainis!

Kung pwede ko lang ipalipad ang taxi papuntang airport, ginawa ko na!

Pagdating ng airport ay bumaba na agad ako. Nilibot ko na ng tingin ang buong airport para hanapin si Howard.

"Howard! Nasaan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko.

Naiiyak na rin ako habang naghahanap kung saan man naroroon si Howard. Aish!


*teng-nen-teng!

All passengers for Flight 678BW please proceed at the Departure Area. Thank you!


Tragis! Nandoon pa kaya si Howard?

Kaya agad kong hinanap ang Departure Area. Sht! Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Sumasakit na rin ang tiyan ko sa sobrang kaba habang tumatakbo sa airport na yun.

Bigla ko namang nakita si Kent sa papalabas ng CR.

Mukha din siyang nagulat nang makita ako.

"Kent asan si Howard?!!" Natataranta kong tanong sakaniya.

"Naku. Paalis na. Tara na!" Sabi nito at hinila na ang kamay ko.


Nang makarating kami ay nandoon rin sina Marj, Alex, Matt at ang buong barkada. Grabe! Ang daya. Bakit ako lang ata ang hindi nakakaalam ng lahat ng ito?

Bigla ko namang nakita si Howard kasama sina Henry at Hillary na papasok sa Departure Area. Sisigaw na sana ako pero balewala na rin dahil tinted yung glass ng Departure Area.

Kainis! Nahuli na ako!

Nang makalipad na ang plane, bumuhos na ang mga luha ko. Hindi ko na ba makikita si Howard?

Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Ang daya talaga!

"Hoy! Bakit alam niyo ang pag-alis ni Howard?" Tanong ko sakanila habang humihikbi.

Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon