Sorry for the super late update bago lang po ako naka-recover sa Hyperthermia na dinanas ko. Forgive me bebes! :(
Here's the update! Enjoy! :)
===============
Chapter 55
[Eezie, I heard about your break up.] mukha pang malungkot yung boses ni Mommy sa kabilang linya.
"Ok na po ako Mom, wag nyo na po ko masyadong isipin.."
[NAK! BE STRONG!!! YAAN MO NA SIYA!] sigaw ni Daddy.
Nabuhayan naman ako ng loob ng marinig ko siya.
"Mom, magkasama kayo?" tanong ko.
[Yup. Pumunta siya dito kahapon.. Nakakainis nga eh. Si Ian lang naman yung papapasukin ko eh, pero nakalusot siya.]
"Uyyy.. Si Mommy! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." kumanta pa ako.
Narinig kong tumawa si Mommy. Mukhang masaya nga siya ngayon at natutuwa ako dun.
[Sa susunod, kayo naman ni Howard ang kakantahan ko nyan.]
"Mommy naman."
[Oh bakit? Wala na ba talaga? Aminim mo 'nak, may part pa rin jan sa puso mo na umaasang magkabalikan kayo.]
Tama si Mommy. Kahit anong sabihin kong makakalimutan ko rin siya, parang hindi eh. Napakahirap! Parang hindi ko kaya. Umaasa pa rin akong babalik siya.
[Oh 'nak? Natauhan ka na jan. Tama ako noh. Basta 'nak, pag kailangan mo ng kausap, tawag ka lang sa amin ha! Need to hung up. Bye!]
"Bye po. I love you."
Lumabas na ako ng Ladies' CR at pupunta na lang ako ng Coffee Shop para kumain.
Bigla namang sumulpot sa tabi ko si Sky. Kahit kailan talaga bigla bigla na lang dumarating!
Pinabayaan ko na lang siyang sumabay sa akin.
"Saan ka?" tanong ni Sky.
Tiningnan ko siya para masigurong ako nga ang tinatanong niya.. Baka naman kasi hindi ako, at yung lalakeng nakasalubong pala namin ang tinatanong niya..
"Pupunta ako ng Coffeeshop." sagot ko.
"Sama ako ha!" paalam nito at ngumiti pa.
Mukha siyang bata sa reaksiyon niya, napatawa tuloy ako.
Nang dumating kami sa coffeeshop, lahat ng taong nandun ay nakatingin sa amin.. Tapos bigla silang titingin dun sa pinakasulok na table ng coffeeshop. Tiningnan ko naman kung sino yung nasa sulok, at- - si Howard at Caye pala..
Si Sky na yung nag-order dahil parang nanghihina yung buong katawan kong nakikitang magkasabay silang kumaing dalawa. Caye! Ako dapat ang kasama niya eh. Kami sanang dalawa jan.
Bigla namang dumating si Sky na dala-dala na ang order namin at umupo sa tapat ko.
Tahimik lang kami habang kumakain, ng biglang dumaan sina Howard at Caye sa tapat namin. Tiningnan pa ako ng napakasama ni Howard na mukhang galit na galit sa akin. Kaya napatigil ako sa pagkain.
"Eezie, kain ka na." sabi ni Sky at nakangiti pa.
Tumango naman ako at ipinagpatuloy na ang pagkain..
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...