YR! IHS - 45 (THEIR Story)

5.5K 52 1
                                    

Kinikilig ako sa mga comments nyo! :D Thank you po. :) Leave pa kayo ng comment, Puh-lease! :3

=========================================

Chapter 45

Patingin-tingin siya sa buong paligid ng campus. Napapangiti tuloy ako habang tinitingnan ko siya. Mukha siyang nawawala. HAHAHAHA Ako marahil ang hinahanap ng batang ito. Pero paano siya nakapasok dito?

"Ian?!!!"

Nagulat man ay nagawa niya ring ngumiti nang marinig niya ang pagtawag ko sa pangalan niya.

"ATE!" sigaw niya at tumakbo papalapit sakin.

Sobrang namiss ko na ang kapatid kong ito. Ang tagal ko na kasing hindi nakita ito. And I can say na mas lalo siyang gumwapo. Wagas na rin makaporma ngayon. JAPORMS! At ang buhok, color brown at nakataas pa! I wonder kung may girlfriend na sya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito? Kailan pa kayo dumating?"

"Sinusundo ka namin Ate. Buti na lang nga at nagkita tayo agad. Phew! Napagod ako sa paghahanap sayo. Kararating lang namin eh, Jetlag!" hinawakan pa niya ang noo niya.

Ang cute ng kapatid ko. Aigoo!

Napansin ko ring pinagtitinginan siya nung mga Freshmen Students. Mukhang nagugustuhan nila ang aking baby boy!

"Bakit ganyan ang suot mo Ate? Ang ganda mo ah."

"Thank you! Defense kasi namin. Kaya eto, kinareer ko na ang formal attire ko."

Tumawa naman siya.

"Ate, tara na. Ako na magdadala niyan.." sabi niya at kinuha sa akin yung paper bag ko.

Nagkukulitan lang kami habang palabas ng gate.. Ang dami niyang kinukwento sa akin, tungkol sa buhay niya at buhay nila ni Daddy sa England. Sabi pa nga niya ay nakita na daw niya ang ONE DIRECTION. Ang gwapo daw ni Zayn Malik pero mas gwapo daw siya. Segway! *____*

"Oh may girlfriend ka na ba?"

"Girlfriend? Wala Ate. Wala pa kasi akong nahahanap na katulad mo. Yung maganda, sexy, matalino, mabait. Lahat na! Full packaged!" tapos nagtawanan kami kahit parang hindi naman talaga nakakatawa. Wala lang. Nag-eenjoy lang ako ngayong kasama ang kapatid ko. ^___^

Bigla namang pumasok ng gate si Sky.

"Oh! Sky. Saan ka?" tanong ko sakanya.

Pero as usual.. Tiningnan niya lang ako at ang kapatid ko, tapos pumasok na.

"Ate, sino yun?"

"Classmate ko.. Bakit?"

"Parang nakita ko na eh. Hindi ko lang matandaan." sabi niya habang nakahawak pa sa chin nya na parang nag-iisip. "Familiar talaga ate eh."

"Huh! Chura mo. Gumagawa ka na naman jan ng kwento eh ngayon mo lang nga nakita yun eh."

"Siguro nga. HAHAHAH."

"ANAAAAAAK!" sigaw ni Daddy habang papalabas siya ng kotse niya.

"DAAAAAAD!" agad naman niya akong niyakap. "Namiss kita Dad!"

"Namiss ko rin ang pinakamamahal kong dalaga! Ang ganda pa rin talaga ng anak ko." nakangiti pa habang naka-thumbs up!

"Daddy talaga! Magbabago ba yun? HAHAHA"

"Sorry sa pagputol ng moment nyo ah pero Dad kain muna tayo. Gutom na ako eh." sabat ni Ian.

Kahit kailan talaga ang takaw. Hindi naman tumataba. HAHAHAHA May pinagmanahan! Eh mukhang nasa lahi na namin yan eh. Si Daddy at Mommy kasi, slim din. Pero kung makakain, wagas-wagas!

Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon