YR! IHS - 54 (They're so sweet)

4.6K 35 11
                                    

Chapter 54


Pagpasok ko pa lang ng gate ng school, napuwing na agad ako.


Kainis! Ang sakit ng mata ko kaya kinusot ko ito para sakaling maalis yung bagay na pumasok..

"Ok ka lang Miss?" concern na tanong ni Manong Guard.


Nang maramdaman kong ok na yung mata ko, tumango lang ako at ngumiti kay Manong Guard. Saka na ko nagpatuloy maglakad papasok ng school.

Pero mas nasaktan yung mga mata ko sa mga nakikita ko ngayon.. Hindi lang yung namamagang mata ko kundi pati yung durog kong puso.

"Hi Eezie!" bati ng babaeng may bangs na si Caye habang kasama si Howard.


Hindi ko na sana siya papansinin dahil naiimbyerna akong nakikita silang magkasama. At isa pa yang malander na yan ang umagaw ng jowa'wa ko. Nababakla na tuloy ako.


"Hello!" sabi ko with a fake smile.


Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Gusto kong umalis dito para makaiwas sa awkward moment na ito dahil sobrang nasasaktan ako. Naramdaman ko nalang na may umakbay sakin. Tiningnan ko naman ito, at tadah! Si Sky!


Ngayon lang ulit siya pumasok after ng ilang weeks.


Hindi na niya pinansin yung dalawa at hinila na ako papalayo doon.

"Safe ka na." bulong niya habang naglalakad sa hallway.

"Sus! Kung hindi ka dumating eh lalarga na ako."

"Talaga? Eh mukha ngang wala kang balak umalis sa kinatatayuan mo eh."


"A-A-A"


"Wag na. Hindi ka nga magaling magtago, magpigil at magsinungaling eh." sabi niya at tinanggal na ang braso niya sa balikat ko nang makarating kami sa labas ng classroom. Saka siya pumasok dun.

Totoo nga! Haaaay!!! Kilalang-kilala na nga ako ni Sky.

Pumasok na rin ako ng classroom.

Nang makita ko si Sky sa upuan niya ay bigla itong kumindat sa akin habang pinaglalaruan ang ballpen niya.


Naku! >___<

Dumating naman sina Marj, Alex, Kent, Glenn, Cynthia at si Matthew sa classroom..


Hinawakan nila ang mga braso ko at hinila patayo ng upuan ko at palabas ng classroom. Yung iba naman ay nasa likod ko at tinutulak ako.

Yung mga classmates ko, mukhang gulat sa ginawang eksena ng anim na ito eh..


"Hoy!!! Saan tayo pupunta? Waaah! Ang sakit na ng braso ko. Bitawan nyo na!" sigaw ko pero mukhang wala silang naririnig.

Nasa likod na kami ng school nang bitawan na nila ang kamay ko.

Nakapalibot pa silang anim sa akin na parang nasa hotseat ako ngayon.

"IYAK NAAAAA!!!!" sigaw nilang lahat.


Ano ba naman itong pakulo nila. Kusang napatulo yung mga luha ko hindi dahil nagbreak kami ni Howard kundi dahil sa mga baliw kong kaibigan na magpapaiyak pa sakin para lang gumaan yung pakiramdam ko..

Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon