YR! IHS - 37 (Alright)

5.2K 36 0
                                    

Dedicated to @purplefonderme dahil sa walang sawang support. thank u.










Chapter 37


11:30 am na ng magising ako.


Pumunta ako ng CR at naghilamos.

Nagulat na lang ako ng makita ko sa salamin ang mga mata ko.


"Waaaaah! Nasan ang pupil ko?!!!!"


Alam kong exagge yun. Hahaha


Pero sobrang maga yung mga mata ko.


Para akong nagkaroon ng edema sa mga mata.




Buti na lang at walang pasok ngayong araw, kundi pagtatawanan nila ako.



Chineck ko ang phone ko at deadbatt na.

Pinabayaan ko na lang.



Nahiga ulit ako sa kama ko at nagpagulong-gulong doon.




Inaantok pa ako..





Pipikit na sana ang mata ko ng may nagdoorbell sa labas..


Pinilit ko ang sarili kong tumayo sa pagkakahiga ko sa kama ko.



Pagbukas ko ng pintuan...

Biglang tumawa si Marj at Alex.


Pinapasok ko sila sa loob at hindi pa rin sila tumitigil sa pagtawa.

"Dapat pala hindi ko na kayo pinapasok.." sabi ko at saka umupo sa sofa.

Tumigil naman sila sa pagtawa ng mapansin nilang seryoso ako.

"Kumusta ka na? Dinalhan ka namin ng sweets. Pampasaya." sabi ni Alex at umupo sa tabi ko.



"Buong gabi ka atang umiyak..." sabi naman ni Marj na pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom at makakain lang. Nilagay na niya sa ref yung dala nila.

Tahimik lang ako. Di ko magawang magsalita. Ewan ko ba? Napipi ata ako.




"Hoy Eezie! Kinansel ko pa ang date namin ni Kent! Tapos tatahimik ka lang jan.." taas kilay pang sabi ni Alex "De joke lang." at tumawa siya ng pagkalakas-lakas




"Ilabas mo na yan Eezie, makikinig kami.. Alam mo kung hindi lang talaga ako pinipigilan ni Alex kagabi, sinugod ko na sa stage yung malanding yun.." sabi ni Marj na nakabalik na galing sa kusina na may dalang nachos at juice.


"Resbakan na lang natin ang kalandian ng bruhang yun. Tae! Naimbyerna din naman ako sakanya.." - Alex


"Hayaan nyo na yun."



"Naku talaga Eezie! Oh! Kumusta kayo ni Howard?" - Alex


"Asan na sya?" - Marj

"Ewan ko.. Kalimutan na lang natin yun. Ok lang ako." sagot ko.


Sinunod na lang nila yun. Alam kasi nilang pag nagkwento pa ako, iiyak na naman ako. Naawa na siguro sila sa mata ko.





Hapon na ng magpaalam silang umuwi. May date pa daw kasi si Alex at Kent. Si Marj naman daw ay maggogrocery pa. Kahit papano, nag-enjoy akong kasama sila. Kahit papano, mejo nakalimot ako ng nararamdaman kong sakit.



















Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon