Pagpasensiyahan po kung may mga Typo errors ha. hindi ko na po kasi naedit. Thanks!
================================================================================
Chapter 61
HOWARD's POV
Ngayong nasabi ko na ang lahat kay Eezie, MEJO napanatag na rin ang loob ko.
Ang saya din ng pakiramdam ko ng malaman kong wala siyang nararamdaman kay Sky. Mahal pa rin ako ni Eezie.
Pero ang bumabagabag sa akin ngayon ay yung nangyari kagabi. Sino ba yung Scott na yun? Hindi ko naman kilala yun ah. Bakit kilala yun ni Eezie?
***FLASHBACK
"Thank you." Sabi niya at nagsimula ng maglakad palayo sa akin.
Halatang nagulat pa siya ng bigla ko siyang hilain papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. At ng napakahigpit na ayaw ko na siyang pakawalan pa. Pero mali eh, ayoko ng paasahin pa si Eezie. Marami pang mangyayari. Hindi na kami magkakabalikan kaya pinakawalan ko na siya. Nakayuko lang ako dahil nagsimula ng umagos ang mga luha galing sa mga mata ko. Kaya pinahid ko na yung nga tumulo sa mga pisngi ko. Nakakabakla ito pero Mahal na mahal ko talaga si Eezie.
Ngayon na pala matatapos yung tatlong araw na hiningi ko. Matatapos na ang lahat. Hindi ko na makikita pa si Eezie. Malabo nang makasama ko pa siya. Ayoko pa sana siyang papasukin pero mukhang masyado siyang napagod ngayong araw. Kailangan na niyang magpahinga.
"Pasok ka na." sabi ko.
Nahalata ata niyang umiyak ako ng dahil sa boses ko kaya nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Mas lalo pa siyang na-curious kung bakit ako naka-tungo. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. Pero hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.
"Sige na." sabi ko at pumasok na ako sa taxi'ng hiniram ko pa sa kay Manong Bruce para lang makausap si Eezie. Naglakad na rin siya papasok sa building ng condo niya. Kinuha ko muna yung panyo ko at pinunas sa mga mata ko. Tsk! Ayoko ng ganito!
Aalis na sana ako at pupunta na lang sa bar na parati kong pinupuntahan gabi-gabi. Maglalasing at makikipagbasag ulo kung meron mang naghamon. Ganito na ngayon ang buhay ko simula ng maghiwalay kami ni Eezie. Pakiramdam ko kasi ay wala ng kwenta ang buhay ko. Pero napagdesisyunan kong mamaya maya na lang umalis. Gusto ko pa siyang tingnan. Kahit yung likod na lang niya ang nakikita ko, okay lang! Titingnan ko na lang siya habang unti-unti siyang nawawala sa akin.
Nang makapasok siya sa lobby ng building ay may sinabi sa kaniya yung babae sa Information desk. Nakangiti pa ito kay Eezie. Marahil ay binati niya ito.
Nakatingin pa rin si Eezie dun sa babae kaya hindi niya nakita yung babaeng naglalakad sa harap niya at nabunggo niya ito. Nahulog yung mga dala niyang papel sa sahig. Kaya tumulong na rin sa pagpupulot si Eezie. Napagdesisyunan kong bumaba at tulungan sila sa pagpupulot. Pero nang malapit na ako sakanila ay bigla namang tumulong sa pagpupulot yung isang lalake.
Matangkad ito at may itsura. Sa tantya ko ay mas matanda siya samin ni Eezie ng dalawang taon. May hawig siya eh pero hindi ko maalala kung sino.
Nang makita ni Eezie ang lalake ay mukha siyang nagulat. Halata pang nanginig ang mga kamay niya at nabitawan ang mga napulot niyang mga papel. Kilala ba niya ito?
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...