Dedicated kay @cailuuuuh. :****
Chapter 38
HOWARD'S POV
Tiningnan ko ang digital clock sa bedside table..
4:30 am pa lang.
Ang aga ko namang nagising. Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko nang gumalaw ang katabi ko. Dito na kasi niya ako pinatulog, ayaw niya akong pauwiin dahil baka mamiss na naman daw niya ako.
Mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Halatang napagod sa pag-iyak nung isang gabi at ngayon binabawi ang pagpupuyat.
Gusto kong bumawi sa kanya ngayong araw..
Kaya tinawagan ko na sina Kent, Matthew, Glenn, Marj at Alex.
Halatang naistorbo ko sila sa pagtulog nila pero nang malaman nila yung gagawin ko, hindi na rin sila pumalag pa. HAHAHA Gusto rin daw nilang pasayahin si Eezie.
Kahit ang higpit higpit ng yakap niya sakin, tinanggal ko muna ang kamay niya.
May dapat pa akong puntahan..
Alam ko namang mamaya pa ito magigising eh.
Pumunta na agad ako sa bahay at kinuha ang Acoustic Guitar sa kwarto ko. Kumuha na rin ako ng mga extrang damit. Sinilip ko muna si Henry sa kwarto niya, ang himbing himbing ng tulog. Hawak pa niya ang phone niya habang natutulog.
Pinuntahan ko naman si Hillary, tulog na tulog pa rin.
Saktong pagsara ko ng pinto ng kwarto ni Hillary ay ang biglang pagring ng phone ko.
Sinagot ko naman.
"Hello?"
[Okay na yung location Howard, uuwi na kami ni Alex. Inaantok pa kami eh.]
"Okay! Thank you Marj"
[Welcome.]
Then she hung up.
May nagtext naman.
From: +63915****096
Papunta na kami sa condo ni Eezie. Kent 2
Lumabas na agad ako ng bahay at bumalik na agad sa condo ni Eezie.
Mahimbing pa rin ang tulog ng reyna ko. Inilagay ko muna ang gitara ko sa sofa at pumasok ulit sa kwarto niya.
Pumasok ako sa walk-in closet ng kwarto niya at kumuha ng mga susuotin niya.
*Doorbell Rings
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...