Chapter 57
"Guys dito tayo!" tawag ni Matt sa aming lahat.
Lumapit namang kaming lahat at umupo sa buhangin. Nagform kami ng circle.
"Spin The Bottle tayo!" sabi naman ni Kent at iwinagayway pa ang hawak na bote.
Wala na kaming nagawa kundi pumayag na lang sa gusto niya. Isa rin naman ito sa paraan para mag-enjoy kami ngayong gabi.
Inilagay na ni Kent ang bote sa gitna at saka inikot.
Nakatutok ang lahat ng mga mata namin sa bote kung saan titigil ng biglang- -
"Xaena!" sigaw naming lahat. Mukha rin namang gulat si Xaena.
"Truth or Dare?" tanong ni Clarence kay Xaena na nakangiti pa..
"W-Wala! Alam ko na yang itatanong mo pag Truth ang pinili ko noh! Kaya Dare!" sabi ni Xaena.
"Ako na mag-uutos ah! Kiss me!" marahas na sabi ni Clarence.
Tiningnan naman siya ng masama ni Sky kaya nagbago ang desisyon nito.
"Joke lang. Kayo naman di na mabiro. Kayo na nga mag-utos jan kay Xaena. Wag nyo lang masyado pahirapan ha!" mahinang sabi ni Clarence.
Inutusan na ni Kent si Xaena. Pagkatapos magawa ni Xaena ang utos ni Kent ay inikot na nito ang bote.
Maya-maya pa ay...
"SKY!" sigaw naming lahat dahil sakanya na nakatutok ang bote.
"Truth or Dare?" tanong ni Alex sakanya.
"Dare." seryoso niyang sabi.
Biglang namang may ibinulong si Alex sakanya at maya-maya pa'y nakatingin na ito sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin..
Maya-maya'y bumalik na ito sa kinauupuan niya at hinubad ang T-shirt niya.
Ibig sabihin, hindi niya nagawa ang inutos sakanya? Ganun kasi yun, pag di mo nagawa o di mo kayang gawin yung dare, maghuhubad ka ng isang suot mo.
Nagtataka tuloy ako kung ano yung utos sakanya at hindi niya nagawa.
Inikot na niya ang bote at saktong tumapat ito kay - -
"Matthew!" sigaw nilang lahat.
"Truth or dare?" sabi ni Cynthia.
"Dare para masaya!" sigaw ni Matthew.
Bumulong naman si Cynthia sakanya at lumapit sa akin.
Bakit ba ako na lang parati yung gagawan ng dare?
"Sorry Eezie! Napag-utusan lang." sabi nito at pinitik ng napakalakas ang kaliwang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...