YR! IHS - 34 (Where's my wallet?)

5.7K 33 0
                                    

Chapter 34






[Yung totoo? Okay lang ba talaga sayo?]





Sabi ni Mama sa kabilang linya..






(Mama - Howard's Mother

Mommy - Eezie's Mother)






"Opo Ma. Okay lang sakin.. Sige po.."






Kinumusta niya kasi kami.. At nalaman niyang hindi na kami nagkakasama madalas ni Howard ngayon..








Kagabi daw kasi, nang makahanap sila ng susuotin nila ay agad silang pumunta sa isang dance studio ni Caye para pagpraktisan ang magiging talent nila.. Lyrical dance daw kasi.. Dadalawin ko sana siya sa dance studio na yun pero di naman sya pumayag dahil gabi na at dapat daw ay matulog na ako..









At ngayong umaga, mag-isa naman akong pumunta ng school..

Nagtext kasi si Howard na magpapractice ulit sila ng 4:30 am.

Mamayang gabi na kasi ang pageant, at kailangan daw nilang tapusin yung steps ng sasayawin nila.










Naintindihan ko naman yun eh, pero sadyang nakakalungkot lang..

Namimiss ko na kasi siya.



"Mag-isa ka na naman... Asan siya?" sabi ni Sky at umupo sa tabi ko..








Ang haba ng sinabi ni Sky ah. Nakakagulat..





Tumambay muna kasi ako dito sa Library para mag-emote. De joke! Nag-rereview ako para sa test mamaya..






"Ah... May practice daw.." malungkot kong sabi.








Tumayo siya sa upuan niya at tiningnan ako.. Mejo inayos niya pa yung buhok niya..







Anyare dito? Baka aalis na..



Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa na lang ng notes ko..




Pero syet! Hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko.

-______-








Si Howard ang naalala ko..







Nagulat ako ng biglang hawakan ni Sky ang kamay ko..








"Problema mo?" tanong ko sakanya.








Pero nakatingin lang talaga siya sakin.







Inalis din niya yung hawak niya dun sa kamay ko at umupo ulit.













Hindi ko na siya naiintindihan.







Then bigla ulit siyang tumayo sa upuan niya at hinawakan ulit ang kamay ko. Nang mapatayo ako sa inuupuan ko, hinila na niya ako papalabas ng Library.. Naiwan ko pa yung mga gamit ko doon. Yung bag ko, Yung libro kong naka-open.










"Uy! Saan tayo?"







Pero wala talaga siyang balak sagutin ako. Hinihila lang niya ako habang naglalakad kami sa pathway. Pinagtitinginan na nga kami nung mga nakakasalubong naming mga estudyante.













Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon