YR! IHS - 53 (He will help me)

4.9K 35 5
                                    







Chapter 53






Napamulat ang mga mata ko dahil sa paghahanap ko ng kumot nang makaramdam ako ng lamig.



Pipikit ko na sana ulit ang mga mata ko nang may mapansin ako.





Si Sky!!! Nakaupo siya sa isang silya at nakapatong yung ulo niya habang mahimbing na natutulog sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga ngayon.





Nasa kwarto pala ako ni Sky. Teka! Paano ako napunta dito?? Sa pagkakatanda ko, nasa park ako kagabi eh. Siya ba ang nagdala sakin dito?





Napatingin naman ako sa suot ko sa ilalim ng kumot.






WAAAAAH!!!!!







Nasaan na yung suot ko kagabi? Bakit gray T-shirt na lang ang suot ko ngayon at white jersey shorts?







Si-Siya ba ang nagpalit sa akin? Na-Nakita kaya niya?








"WAAAAAAAAH!" sigaw ko at hinila ang kumot para ipangtakip sa katawan at mukha ko. Nakapatong pala yung ulo niya sa kumot kaya naurong din  siya nang hilain ko yung kumot. Nagising tuloy siya!








My God! Nakita kaya niya ang katawan ko?







"Anong problema Eezie? May lagnat ka pa ba? May masakit ba sayo? Ano?" mukha siyang alalang-alala. Umupo siya dun sa gilid ng kama habang nilalagay yung kamay niya sa noo ko.









Umiling ako.








Mukhang nalaman naman niya ang dahilan kung bakit ako napasigaw dahil ngumiti siya ng nakakaloko.









Tumayo na siya dun sa kama at kinuha yung malaking bowl na may lamang tubig at bimpo dun sa side table. Naglakad na siya papunta sa pintuan. Lumingon pa siya sakin at nakangiti pa rin hanggang ngayon.






"Ang sexy mo pala.." saka siya lumabas ng kwarto.







Pakiramdam ko ay nag-iinit na yung mukha ko sa sobrang hiya. NAKITA NIYA???? PAKYEOLTANGINSHITBULLSUCK!!!!!!








Bumangon na ako sa kama niya at lumabas na rin ako ng kwarto para sundan siya!







Nakita ko siyang nagluluto sa kusina.











"Hoy Sky! Anong sinabi mo?!!!!" sigaw ko sakanya.







Hindi pa rin niya ako nililingon. Naglagay siya ng 6 na hotdog dun sa frying pan. Masyado siyang dedicated sa ginagawa niya.






Kaya napagdesisyunan kong.. BATUKAN NA SIYA!






Unti-unti na siyang lumilingon sa akin habang nakahawak sa parte ng ulo niya kung saan ko siya binatukan.








Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin kaya napapaatras naman ako. Nakatingin pa siya sa mga mata ko kaya napayuko ako pero hinawakan niya ang chin ko at inangat ang ulo niya. Kaya nakatingin na rin ako sa mga mata niya. Sobrang nakakailang! Kung pwede lang sanang bumukas yung lupa ngayon at lamunin na ako. Wag lang sanang isama si Sky.








Naramdaman kong wala na akong steps paatras. Aish! Na-corner na pala niya ako sa may refregirator. Nararamdan ko na ring magkadikit na ang mga katawan namin sa isa't isa kaya lalo lang nagwala yung puso ko. Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari.








Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon