Chapter 51
One week na rin ang lumipas simula nung magtapat si Sky ng nararamdaman niya sakin.
One week na rin syang absent pagkatapos nung nangyaring yun. Wala namang nakakaalam samin kung anong nangyari sa kanya. Kung nasaan na ba siya? Ni anino nga niya, hindi ko na nakikita ngayon. Hindi ko naman ma-contact ang number niya. Parating out of reach dahil baka nga nasira ko yung phone niya. Minsan naiisip kong iniiwasan na niya ako kaya hindi na siya pumapasok. Pero ang kapal naman siguro ng fezlak ko para isipin yun. Hahaha baka may iba pang reason kaya siya absent.
Two weeks na ring nasa Los Angeles si Howard kasama si Caye. Hindi na nga kami nakakapag-usap eh. Ang huling pag-uusap namin ay nung nasa condo kami ni Sky at inisip ni Howard na galit ako sakanya. Pagkatapos nun, hindi na niya nagawang tumawag. Pinipilit ko na lang yung sarili kong intindihin siya. BUSY SIYA EH. Alam kong busy siya kay Mama at hindi kay Caye. Nararamdaman ko yun! Malaki ang tiwala ko sakanya. Kaya kahit anong sinasabi nina Alex at Marj tungkol kay Howard at Caye na baka daw may nangyari na sakanila dun ay dinedeadma ko na lang dahil alam kong hindi kayang gawin ni Howard yun. Alam kong hindi niya ako lolokohin at sasaktan.
Monday na nga pala ngayon. Simula na naman ng bagong week. Sana lang may maganda ng mangyari ngayon.
"Ang kapal talaga ng mukha niyang magpakita pa pagkatapos nung ginawa niya.. Susugurin ko na sana siya eh!" inis na sabi ni Marj habang papasok sila ni Alex ng classroom.
"Chillax Marj! May araw din satin yan." sabi naman ni Alex at umupo na silang dalawa sa tabi ko.
Ang aga aga pa lang eh ang init init na ng ulo ng dalawang ito.
"Problema nyo?" nakakapagtaka lang kasi. Sino kaya yang pinag-iinitan nila.
"Si Caye. Nakakainis yang babaklitang yan! May gana pang bumalik! Ititrim ko yung bangs nun eh." galit na sabi ni Marj.
Lumakas naman yung kabog ng dibdib ko ng marinig yun. Ano? Si Caye? Bumalik na? Eh di ibig sabihin, nakabalik na rin si Howard? BANGS? May bangs na rin siya? Sa pagkakatanda ko kasi, wala siyang bangs eh. Baka para new look. :]
"Oo nga. Parehas na rin tuloy kayo ngayon Eezie! May mga BANGS! At saka Marj, nakita mo ba yung mukha niya? May iba eh. Iba talaga." sabi naman ni Alex tapos tumingin silang dalawa sa akin. Problema ng mga ito? Bakit bigla silang natahimik at nagseryoso? Tapos yung tingin nila sakin, parang sinusuri nila ang mukha ko. Tapos dahan-dahan silang nagtinginan. Ano ba talagang nangyayari sakanila? Tapos yumuko na sila.
"Hoy! Anong nangyari sa inyo?"
Hindi na nila ako pinansin.
Dumating na rin si Prof. Madeline. Pagkapasok pa lang niya, si Sky na agad ang tinanong niya kung pumasok na ba siya ngayon..
Lumipas ang 3 subjects at natapos din ang morning class namin.. At ngayon, mag-isa na naman akong magla-lunch dahil may mga appointment ang mga magagandang kong kaibigan sa kanilang mga jowa..
Dumaan muna ako sa Comfort Room para icheck ang mukha ko sa salamin. Sinuklay ko muna ang buhok at ang bangs ko and taadaaah! Ang ganda ko pa rin talaga. :D
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
Roman d'amourEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...