YR! IHS - 49 (Ice)

4.7K 30 6
                                    

Chapter 49





Habang magkatabi kami ngayon ni Naomi sa Back Seat at nasa harap naman si Sky, SOBRA NA TALAGA YUNG KABOG NG DIBDIB KO! >____< Kung pwede ko lang paliparin ang taxi'ng sinasakyan namin ngayon, PINALIPAD KO NA! Maihatid lang namin agad ang batang 'to sa bahay nila.





7:06 PM naaaa! ANO BA! Siguradong hinahanap na ang batang ito!






"Tapos diretso na po jan." sabi ni Naomi sa Taxi Driver. Tinuturo niya kasi yung daan papunta sa bahay nila.






Nanginginig na talaga yung mga kamay at tuhod ko. Tsk! Tapos pumasok kami nun sa isang Subdivision..






Malayo pa lang ay may nakita na kaming maraming pulis sa isang malaking bahay. May mga taong nagkakagulo din doon sa labas.






"Yan na po yung bahay namin." turo ni Naomi dun sa malaking bahay.






Nung huminto ang taxi na sinasakyan namin, napatingin lahat ng tao at mga pulis na nasa labas ng bahay.






Binayaran na ni Sky yung taxi driver at bumaba na kami. Pinagtitinginan na kami nung mga tao. Hinila na ako ni Naomi papunta sa malaking bahay nila.





"WALA PA RIN BA KAYONG BALITA?!!!! ANO BA NAMA- -"





Naputol yung pagwawala ng isang babaeng nakatalikod sa amin nang tawagin siya ni Naomi.





"Mommy!" nakangiti pa si Naomi.





Agad namang humarap yung babae at napaiyak nang makita si Naomi sa harap niya. Niyakap niya kaagad ang anak niya.




"Anak saan ka ba galing?!!" galit na tanong nung babae nung humiwalay siya sa pagkakayakap sa anak niya.





Tiningnan niya ako ng napakatalim AT- -





































































***SLAP!








Nagulat ako dun sa ginawang pagsampal nung babae sa akin kaya napahawak agad ako sa kaliwang pisngi ko. Bakit niya ginawa yun?








Lahat ng mga taong nandun ay nakatingin pa rin sa amin. SA AKIN. Na parang nanood lang sila ng shooting ng isang teleserye.









Naramdaman kong nangingilid na yung mga luha sa mga mata ko. Nakakahiya. Pero agad ko ring naramdamang may mga braso nang nakayakap sa akin. SI SKY PALA.







"HOW DARE YOU TO KIDNAPPED MY DAUGHTER? AT NAKONSENSYA KA BA KAYA SINAULI MO SIYA? MAGKASABWAT PA KAYO?!!!!!" sigaw niya sa amin.









Nakakahiya..











Napakalaking kahihiyan..












Lumapit sa amin ni Sky yung mga police. Dadamputin ba kami ng mga ito?









Hindi ko na magawang magpaliwanag. Wala kasing lumalabas na mga salita sa bibig ko. Bakit ba ganun ang nasa isip niya. Mali. Mali talaga eh. Sinamahan lang naman namin si Naomi eh.







Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon