YR! IHS - 56 (Who invited them?)

4.7K 35 11
                                    

Chapter 56



Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng mga gamit na dadalhin ko sa Outing namin.







Pinuntahan kasi ako nila Kent at Clarence dito sa unit kagabi at sinabi nila ang tungkol sa Outing namin ngayong araw.






May bagong resort daw kasi sina Clarence sa may Pasay at naisipan niyang ipakita sa amin yun.. Pumayag naman akong sumama sakanila dahil wala naman akong gagawin ngayong araw.






Napakalaking himala lang ngayon dahil maaga ako at hindi ako male-late. Maninibago rin ako dahil hindi ko na makakasama si Howard sa Outing na ito.






Bumaba na ako ng condo at nakita na ang van ni Kent na sasakyan namin..







"Maaga ka ngayon ha!" sabi ni Marj na napakasaya pa.




"GOOD MORNING EEZIE!" sigaw ni Xaena nang makita ako.





"Good morning!!" ganti ko naman.





Nasa Driver's seat si Kent na katabi si Alex na mukhang masayang-masaya habang nagkukwentuhan sila ni Kent. Magkatabi naman sina Marj at Xaena sa likod nila. Wala namang nakaupo sa likod nila Marj at Xaena. Sa susunod na upuan naman ay nakaupo sina Cynthia at Glenn na naghaharutan habang nakatingin sa akin. Habang nasa pinakalikod naman nakaupo sina Matthew, Clarence at si SKY. Tiningnan pa ako ni Sky pero maya-maya'y tumingin na sa labas. Oo nga pala. Sasama yan dahil sa pinsan niyang si Xaena.







"Tabi ka na samin!" sabi ni Marj.






Umupo na rin ako sa tabi ni Marj.Nakapagtataka naman kung bakit walang nakaupo sa likod namin.






Magtatanong pa sana ako sa mga katabi ko pero tahimik na silang dalawa. Nang tingnan ko naman ay nakatulog na pala ang mga ito.






Nagdrive na si Kent..






Tumigil naman ito nang makarating kami sa KH Pizza House.





Akala ko ay bibili sila ng Pizza pero nakita kong binuksan ni Howard ang pinto sa labas ng van.





Mukha kaming gulat ng makita namin ang isa't isa. Pero agad din siyang umiwas ng tingin at sumakay na sa van at umupo sa may vacant sa likod namin.


Maiinis pa sana ako sakanya dahil hindi man lang nito isinara ang pinto pero bigla namang lumabas ng Pizza House si Caye, sumakay na siya ng van at tumabi kay Howard..


Tumingin pa ng masama sakanya sina Marj, Xaena at Alex. Habang ako ay nakatingin lang sa harapan. Sino pa kasing nag-invite sa kanilang dalawa dito sa outing na ito? Akala ko kahit papaano, matutulungan ako ng outing na ito. Kaya nga ako sumama eh, pero baka mas lalo lang lumala yung sakit na mararamdaman ko dahil makikita at makakasama ko sila.




Tahimik lang kami buong biyahe. Lahat sila ay natutulog. Habang ako ay dilat na dilat pa rin. Hindi kasi ako makatulog eh. Minsan, nararamdaman ko ring may nakatingin sa akin pero hinahayaan ko na lang. Hindi rin naman multo yun eh. Haha




Maya-maya pa ay...




"Tol dito na." sabi ni Clarence kay Kent. Saka naman ipinark ni Kent ang van na sinasakyan namin.






Bumaba na kaming lahat.





"Wow! Ang ganda dito Dude!" sabi ni Glenn.





Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon