Guys, nais ko lang pong ipaalam sa inyo na MAHABA-HABA PA PO ANG YEAH RIGHT! I HATE SEX. Marami pa akong gagawing mga chapters. :D MARAMI PA PONG MANGYAYARI. AS IN SOBRANG DAMI! na hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin. pero susubukan kong gawin PARA SA INYO! Charottt! :] Hahaha
Here's the update! ENJOOOOY!!!!!!
============================================
Chapter 46.2
Naglalakad na kami pabalik ng condo ko. Malapit na ring mag5:30 pm.
Sa tabi ng kalsada, may 6 na batang naglalaro ng patintero. Apat na mga babae at dalawang lalake. Ang saya-saya pa nila habang naglalaro.
"Sali kami!"
Natigil sa paglalaro yung mga bata. Mukhang nagulat. Pati ako mejo nagulat din sa sinabi niya. Seryoso ba siya dun? Gusto niyang sumali?
"Sige ba! Samin si Kuya Tisoy ah!" sigaw nung isang bata na nakasuot ng red cap.
"Samin si Ate Tisay!" sigaw nung batang naka-headband ng napakalaking pink ribbon.
Tumatawa pa si Sky na parang ang saya saya nya dahil nakasali sa laro. Kaya ako, natatawa na rin sa reaksyon niya.
"Ate! Ako nga pala si Naomi!" sigaw nung batang may malaking pink na ribbon. Ang cute niya!
"Im Mara ate!" sabi naman ng batang may suot na eyeglass.
"My name is Jia Min Fei Suzy Hernandez. 8 years old! I live in Lot 085, Gordell's St., Falcon Village! My mother is - -" naputol naman yung pagpapakilala nung batang napaka-cute na may bangs.
"Tama na yan Jia Min Fei Suzy!" saway nung batang boyish.
Hahahaha natatawa ako sa pangalan niya eh. Kailangan kumpleto talaga?
"Ako nga po pala si Krystal Luna Amber. Kapatid ko po si Jia Min Fei Suzy, JMFS for short." sabi nung boyish na bata.
"Troy po." sabi naman ng batang may red cap.
"Jessie James!" sigaw nung isang batang lalakeng may long straight hair.
Natutuwa ako sa mga batang ito PROMISE! Hahaha
"Ako nga pala si Ate Eezie!" nagwave pa ako ng hands at tiningnan ko si Sky. -_____- Mukhang walang balak ipakilala ang sarili niya. "At siya naman si Kuya Sky nyo."
"Gwapo ni Kuya Sky." tapos nagblush si Jia Min Fei Suzy
Awww! Type niya. :)))
"Akin siya JMFS!" sabi naman ni Krystal Luna Amber.
"Shut up! Kay Ate Eezie na yan. Wag nyo ng agawin." sabi naman ni Jessie James.
Tumawa bigla si Mara na parang kinikilig.
"Bagay na bagay sila!" sabi niya.
"Naku! Hindi kami ng Kuya Sky nyo ah." sagot ko.
"DEFENSIVE!!!!!" pangungutya nilang lahat.
Tiningnan ko si Sky at napahawak siya sa batok niya. Nahihiya na naman.
"Oh laro na tayo." sabi ni Sky habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...