Chapter 46.1
Napaka-complicated naman ng Love Story nina Sky at Lilian. Gusto ko silang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Kung magwowork ba kung tutulungan ko sila.
"EEZIE!" sigaw niya habang naglalakad ako papasok ng building ng condo ko.
Nakasandal na naman siya sa isang puno. Nang makita ko ang suot niya, ngayon ko lang naalala na nakasuot pa rin ako ng formal. Aish! Di pa pala ako nakakapagbihis. -____-
Tumakbo siya papalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito Sky?"
Nagkamot pa siya ng batok na parang nahihiya dun sa tanong ko.
"Wait lang ah. Bibihis muna ako. Akyat ka na sa taas?"
"Dito na lang kita hihintayin." tapos umupo siya sa couch dun sa tabi ng Information Desk at nagbuklat ng magazine doon.
Umakyat na rin ako sa taas para magbihis.
**Telephone rings**
Tumakbo na agad ako sa living room kung saan nakalagay ang telephone.
"Hello?"
[Pet! How are you?]
Parang gumaan yung pakiramdam ko ng marinig ko yung boses niya.
"I miss you Pinocchio.." naiiyak na ako. Kahit kailan talaga. T____T
[I miss you - - -]
Then naputol na naman yung linya. Nakakainis na! Parati na lang ganun. Tapos pag tatawagan mo, hindi naman sasagutin.
Bumaba na lang ako. Nakita kong nakaupo pa rin dun sa couch si Sky tapos nagsscan pa rin ng magazine.
Tinabihan ko naman siya at kumuha rin ng magazine dun.
Nang ilipat niya ang page, napatitig siya dun sa babae na nasa magazine. Pero inilipat niya din agad yung page.
Hindi ko pa nakita eh, kaya ibinalik ko sa dating page.
"Ano ba?!!" reklamo niya.
Inagaw ko sakanya yung magazine at tinitigang mabuti kung sino yung babaeng nandun.
"Ah si Lilian pala ito!"
Hindi ko kasi nakilala eh. Mas lalo kasi siyang gumanda sa picture niyang ito.
Tiningnan ko kung anong magiging reaction niya sa pagbanggit ko ng pangalan ni Lian. Pero ----
(_ _)" Parang wala man lang narinig at nagsscan na ng bagong magazine ang loko.
TSS!
Nagring bigla yung phone ko sa bulsa. Agad ko namang kinuha at tiningnan kung sino ang nasa screen.
Incoming call..
+63927****013
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit gamit pa rin nila ang number na ito. Itong number ni Caye.
"Hello?"
[Pet sorry kanina ah. May pinuntahan lang kasi kami. Sorry talaga.]
"Ok lang." walang kagana-gana kong sabi.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...