This chapter is dedicated to my bebe @MhecoYuriie dahil sa walang sawang pagvote nya ng mga chapters ko. Thank you! :))))
Chapter 36
Nang matapos ang pageant, nagtayuan na ang lahat at naglabasan ng Auditorium.
Yung iba naman ay nagpunta sa stage para icongrats at magpapicture sa mga contestant.
Habang kami ni Sky... Ako... Hindi pa rin umaalis sa inuupuan namin..
Nakatingin lang sa stage si Sky. Tumingin na rin ako doon.. Ang saya saya nilang lahat.. Yung mga babae, kinikilig pa habang nagpapapicture sakanya..
Tumayo na ako sa upuan ko.. Ganun din si Sky..
Nasa labas na si Sky, lalabas na rin sana ako ng Auditorium nang bigla niya akong tinawag.
"ELLIZE!" sigaw ni Howard.
Ellize.
Ellize.
Ellize na lang..
Hindi Eezie, hindi Pet kundi Ellize.
Baka sa susunod, Hootkins na lang.
Humarap ako ng nakangiti sa stage.
"Plastik.." narinig kong bulong sakin ni Sky at umalis na siya.
Tumakbo siya papalapit sakin. Naiwan ang mga babaeng nakikipagpicture pa sakanya..
"Congrats." sabi ko sakanya nang makalapit siya sakin. Pinilit kong ngumiti.
"Tara na.." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Habang naglalakad kami, binitawan na niya ang kamay ko. At tinanggal ang cape at ang crown niya. Binitbit na lang niya ito kasama ng nakuha niyang trophy.
Nasa likod lang niya ako. Wala kaming imikan.
Lahat ng nakakasalubong namin, nagko-Congrats sakanya. Ngiti lamang ang isinasagot nya.
Ayoko talaga ng ganitong feeling.
Nang makarating kami sa parking area, sumakay na siya sa kotse niya.
Hinintay lang niyang makasakay ako at saka mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya..
Bakit ganito? Feeling ko, iiwan na nya ako ngayong gabi.
Hindi man lang siya nagsasalita.
Nakatingin lang ako sa labas. Nangingilid na yung mga luha sa mga mata ko. Pero pinipigilan kong tumulo ang mga ito. Kaya ko pa naman..
Bigla siyang huminto sa pagda-drive. Nandito na pala kami sa building ng condo.
Diretso lang ang tingin niya sa may kalsada.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
At dahil sa mukhang wala naman talaga akong mapapala, pinili ko na lang na bumaba ng kotse niya at pumasok na sa building ng condominium ko.
Nang makapasok na ako sa building, narinig ko naman ang pagharurot ng kotse niya.
Galit nga siya.
Pagpasok ko ng kwarto ko, hindi ko na mapigilang umiyak.
1:30 am na at hindi pa rin ako nakakatulog.
Maga at pagod na rin ang mga mata ko sa pag-iyak.
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
*Bzzzzzt
Kanina pa nagba-vibrate ang phone ko.
Pagtingin ko sa screen,
63 messages received!!!!
Napaupo agad ako sa kama ko, at binasa ang 63 messages na yun.
Ang iba, galing kay Marj, kay Alex at sa iba pang mga classmates at friends ko. Nagmumura at nagwala dahil sa kiss nina Howard at Caye.
Haaaaay! Naalala ko na naman yung kiss na yun. Nasasaktan ako. Tae.
41 messages naman yung kay Howard.
Tiningnan ko ang oras at... Mga..
4:15 am
8:53 am
8:55 am
12:30 pm
IBIG SABIHIN, NGAYON LANG DUMATING ANG MGA TEXT NIYA?!!!!!
BAKIT SUPER LATE?
BAKIT NA-DELAY!
WAAAAAH!!!!!
Ang ibang mga message niya:
Ingat sa pagpasok today. Hindi na kita masusundo jan. Magbreakfast ka na.
Mahal na mahal kita. <3
Aral mabuti jan. haha
Gawa mo? Okay ka lang ba Pet?
Lunch ka na. Wag magpapagutom. Magagalit ako. Mwah!
Miss na kita. Puntahan mo naman ako dito sa Audi.
Reply naman jan.
Bc ka ba?
Gustong-gusto na kitang makita Pet.
Pet?
Pet!
I love you Pet!
Para sayo ito. :****
Pet! Kinakabahan na ko.
Magsisimula na. San ka?
Saan ka umupo? Di kita mkita.
At habang binabasa ko ang mga text niya, napaiyak na naman ako.
Ang malas malas ko. :(( bakit ngayon lang dumating lahat?
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...