YR! IHS - 39 (What's with that HUG?)

5.7K 35 0
                                    

Chapter 39

EEZIE'S POV


"Ang daya mo naman eh." sabi ko kay Howard sabay hampas ko sa braso niya.

"Aww! Bakit naman Pet?" sagot niya habang hinawakan yung braso niyang hinampas ko.

Mukhang napalakas ata yung pagkakahampas ko sa kanya.


"Kasi may paganun-ganun ka pang nalalaman. Nakita pa tuloy nila Kent yung ichura ko habang tulog at bagong gising. Ang panget Pinocchio!" reklamo ko.

"Hayaan mo na yun. Maganda ka naman eh." sabi niya sabay pisil ng ilong ko.


Pinasakay na ako ni Howard sa may front seat ng Van at sumakay na rin siya sa driver's seat.


Kung saan ba kami pupunta?

Wala akong ka-ide-ideya. =)))


"Pinocchio naman eh. Saan ba kasi tayo pupunta?" pang-apat na beses ko ng tanong yan.


Pero ang tanging sagot niya sa akin: SMILE.


Alam kong gwapo siya pero mas lalo pa siyang gumagwapo pag nakangiti. Kaya naman, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko yun.


"Pinocchio naman eh." sumimangot na ako.

Napansin ko namang may mga petals yung compartment sa loob ng van na nasa harap ko. (Ang hirap namang i-describe. Basta yun na yun!)

May maliliit ding mga papel doon.


Napangiti naman ako nang makita ko yun. Habang si Howard, nakangiti pa rin habang hawak ang phone niya. Baka naman kinukuhanan na naman ako ng picture neto.


Kinuha ko yung 14 na maliliit na makukulay na papel doon.


Binuksan ko lahat. Bawat maliliit na papel ay may nakasulat na isang letter para mabuo ito, I LOVE YOU ELLIZE. Napakasimple man pero nakakakilig.

"Owww! Pinocchio talaga. Syempre, I LOVE YOU TOO."

Hinila ko siya papalapit sa akin.

Ngumiti lang ako and wrapped my arms around his nape.


Naramdaman ko naman hinawakan niya ang bewang ko.

Sinimulan ko na siyang bigyan ng halik sa kanyang labi.

Hinimas pa nya ang tiyan ko gamit ang isang kamay niya. Nakakakiliti.


Nagsisimula ng lumalim yung halik namin sa isa't isa.


Umiinit na rin ang pakiramdam ko kaya minabuti ko ng itigil ang paghalik sakanya.

Yeah Right! I Hate SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon