Chapter 63
EEZIE's POV
***FLASHBACK
Nang makita ko si Scott pakiramdam ko, lahat ng dugo sa katawan ko pumunta sa utak ko. Bakit siya nandito? Bakit siya bumalik? Para saan?
Sumakit yung tiyan ko sa sobrang kaba at sumakit ang puso ko. Naalala ko na naman yung ginawa niya sa akin noon. Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan, ganun pa ang gagawin niya sa akin.
Nang bumukas ang elevator ay tumakbo na agad ako papasok ng unit ko. Takot na takot akong masundan niya. Ayoko!
Ni-lock ko agad ang pinto ng unit ko. Napaparanoid na ako. Nagsisimula na ring umagos ang luha ko. Yan ang nakaraan kong ayaw ko ng maalala. Pero nang makita ko ulit siya pakirandam ko, nasayang lang yung lahat ng ginawa ko para kalimutan yun.
Pumasok ako sa kwarto at ibinaon ang sarili sa kama ko.
Maya-maya'y may biglang kumatok sa labas ng pinto. Si Scott kaya yun? My God! Tulungan niyo po ako. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.
Kinakabahan talaga ako sa dami ng pagkatok niya. Gusto niya talagang makapasok? Nagdoorbell pa siya.
Napatigil ito sa pagkatok. Maya-maya'y bumalik na naman.
Sa tantya ko ay mga 30 minutes na itong kumakatok. Sa bawat pagkatok niya sa pinto ko ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang takot.
Nang tumigil ito ay mejo napanatag na rin ako.
Nakita ko yung mga bouquet ng white roses sa table. Posible kayang sakaniya galing ang mga ito? Si Scott kaya ang nagbigay ng lahat ng ito?
Nakatingin lang ako sa kisame habang umiiyak. Gusto ko ng matulog. Baka sakaling makalimutan ko na naman ang lahat.
Lumipas ang dalawang oras at hindi pa rin ako nakakatulog.
Pumunta muna ako sa may sala para tawagan sina Mommy. Magpapasundo ako sakanila dito. Sa ngayon, sila lang ang makakatulong at makakaintindi sa akin. Naiiyak ako pero pinahid ko agad ang luha ko.
Lowbat kasi ang cellphone ko kaya yung telephone na lang ang gagamitin ko. Pero WTF? Bakit hindi gumagana? Anong problema?
Nagpasya akong lumabas muna. May telephone kasi sa lobby ng floor. Habang naglalakad ako palabas ay natatakot pa rin ako.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita kong nandoon si Howard sa tabi nito. Nakaupo sa sahig at tulog na tulog. Bahagya pa siyang nakatingala. Yung isang binti niya ay matuwid at kabilang binti ay naka tupi.
Siya pala yung kanina pa kumakatok? Ang buong akala ko ay si Scott! Pero bakit nandito si Howard? Diba naghiwalay na kami kanina? Hindi ba siya umalis kanina? Nakita ba niya yung nangyari kanina sa lobby?
What shall I do with him now? Nakatulog siya sa pag aantay saking pagbuksan siya.
Baka nga nakita niya yung kanina kaya siya pumunta dito. Oh my God! Kinabahan agad ako. Hindi niya pwedeng malaman ang lahat. Hindi niya ako matatanggap!
Kaya bumalik na ulit ako sa loob at ni-lock ulit ang pinto. Humiga agad ako sa kama ko at nakatulog.
Nagising na lang ako ng biglang may kumatok na naman sa pinto ko. Baka nagising na rin si Howard sa labas. Pero maya-maya'y natigil na rin ang pagkatok. Baka umalis na siya.
Tinawagan ko agad si Mommy at nagpasundo dito sa condo. Tahimik lang ako buong biyahe. Hindi ko magawang magsalita. Ang daming tanong ni Mommy sa akin. Kung bakit daw ako uuwi sa bahay? Kung may nangyari daw ba? Pero hindi ko magawang sumagot. Minsan ay tulala pa ako at kailangan pa akong tawagin ni Mommy para maibalik ang tamang pag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...