Chapter 52
Habang tinitingnan ko silang dalawa, gusto ko ng maiyak. Ano ba naman 'to. Bakit ganito?
Unti unting nagfaflashback lahat ng sinabi nila sakin. Ang bigat na ng pakiramdam ko.
May communication pa rin ba kayo? Naku! Yan pa naman ang pinaka-importante. - Lian
YAN NA! Dapat meron pa rin. Dapat madalas pa rin. Yang busy na yan ang nakakasira eh. Eezie sayang yung 4 years at 7 months pag nagkataon. - Lian
Eezie, baka naman may nangyari na kay Howard at Caye dun sa L.A.? - Alex
Malakas din ang radar ko dun Alex. - Marj
Baka may iba na yun! Kaya di ka na maalalang tawagan o itext man lang. - Alex
Ha? Paano na yan? Baka naman may iba na yun? - Lian
Yun yung lahat ng sinabi nila sa akin pero hindi ko pinaniwalaan dahil alam kung hindi ganun si Howard.
Kami pa naman ah. Pero bakit iba na yung kasama niya ngayon? Kung hindi ko pa siya nakita ngayon, wala siguro siyang balak magpakita sakin.
Pero bakit din naman ako nag-iisip ng ganito? Mahal ako ni Howard diba? At saming dalawa, walang lalake o babae na kayang magpaselos samin. Wala lang yan! Mahal na mahal ako ni Howard.
Pero habang nakikita ko siyang tumatawa kasama ang ibang babae ngayon, bakit pakiramdam ko mali yung sinabi ko. Bakit pakiramdam ko, hindi na niya ako mahal ngayon? At habang naiisip ko yun, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko at ang sakit nun.
"HOWARD!" tawag ko sakanya. Garatal na rin yung boses ko na parang kahit anong oras, may tutulo ng luha galing sa mga mata ko.
Tumingin naman siya sa akin at nawala bigla yung ngiti nya nang makita ako.
Bakit ganun? Hindi ba siya masayang makita ako ngayon? Wala na ba siyang pakialam sakin? HINDI NA BA NIYA AKO MAHAL?
Tumulo na rin yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit lang. Nasasaktan ako lalo na sa sunod niyang ginawa.
Hinila na niya si Caye at umalis na silang dalawa.
Tanging likod na lang niya yung nakikita ko habang tinitingnan siyang naglalakad papalayo sa'kin. BAKIT NAGBAGO NA SIYA?
----------------------------------------------
Kinabukasan, 4:30 am pa lang ay gising na gising na ako. Ang aga ko naman atang nagising ngayon. 3:00 am na nga ako nakatulog kanina tapos 4:30 am din pala ako magigising.
Pumunta na agad ako sa Bathroom at ginawa ang Daily Routine ko ng walang kagana-gana.
Lahat ng students na nadadaanan ko sa hallway papuntang classroom ay napapatingin sa akin. Hindi ko na nga pinapansin eh dahil alam kong nagtataka sila kung bakit maga ang mga mata ko.
Pagpasok ko ng classroom, agad akong niyakap ni Alex at Marj. At sa pagyakap nila sakin, hindi ko na naman napigilang mapaiyak. Ang sakit sakit kasi.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...