Chapter 60
Natapos ang klase namin sa History nang wala man lang akong nainitindihan. At ngayon, nandito ako sa sakayan ng taxi. Agad kong pinara yung isang taxi at pumasok na sa loob. Laking gulat ko ng hinarap ako ng taxi driver at iniabot ang isang malaking bouquet ng white roses.
"Para sa'yo Maam! May nagpapabigay." Sabi nito.
Napaawang ang bibig ko ng makita na naman ang mga bulaklak na ito. Napakaraming beses na talaga akong nakakatanggap ng ganito.
"Manong kanino galing?" Tanong ko sakaniya.
Pero sinagot lang niya ako ng kibit balikat.
"Manong naman eh. Sabihin nyo na po." Halos magmakaawa na yung tono ko para lang sabihin na niya sa akin. Pero nagsimula na siyang magdrive. Kaya hindi ko na siya kinulit pa. Alam kong wala akong mapapala sakaniya.
Nakatingin lang ako sa mga bulaklak na nasa harapan ko. Sino ba talaga ang nagpapabigay ng mga bulaklak na ito? Secret admirer nga ba? Ang dalas ah!
Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan ng bigla itong tumigil. Akala ko ay kung ano na ang nangyari. Traffic lang pala!
Nagulat na lang ako ng bigla kong makita si Hillary na pumapasok sa isang bahay. Two-storeys ito at simple lang ang itsura na yari sa kahoy.
Bakit pumasok siya sa bahay na iyun? Hindi kaya?..
Agad ko rin nasagot ang tanong ko at tama nga ang hinala ko nang makita ko si Henry sa bintana ng second floor ng munting bahay na iyun. Agad din naman itong nawala sa paningin ko.
Agad akong tumingin kung anong address ng lugar na ito. Nasa Flinn Street pala ako. At ito yung pinag-uusapang lugar ng mga estudyante sa school dahil ito daw yung lugar ng mga mahihirap dito sa syudad.
"Manong dito na lang po ako." sabi ko at nagbayad na sakaniya.
Agad akong lumapit sa bahay na iyun. Agad kong napansin sa loob si Henry na nagbubuhat ng isang baldeng tubig galing sa labas.
"Ate Eezie!!!" sigaw ni Hillary at agad nabitawan ang walis na hawak-hawak nang makita ako. Tumakbo ito palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Anong nangyari sakanila? Bakit dito na lang sila nakatira? Asan na yung bahay nila?
Pinapasok agad ako ni Hillary at pinaupo sa isang upuan na yari sa kahoy.
"Ate Eezie, paano mo nalamang dito kami?" Tanong ni Henry habang umuupo sa tapat ko.
Hindi ko pinansin yung tanong niya.
"Kumusta na kayo?"
"Okay lang kami. dito na nga pala kami tumutuloy ngayon simula ng mawala si Mama." Sabi ni Hillary.
"Bakit?" Bigla kong tanong.
"Kasi wala na kaming pera eh." Sagot ni Hillary.
BINABASA MO ANG
Yeah Right! I Hate Sex
RomanceEllize was already given with a perfect life and a perfect relationship with her long-time boyfriend, Howard. Everyone would wish for having all of those things. But SEX is the one thing that she really hate. Pero paano kung malaman nila na may mata...