Chapter five: Little sister

11K 160 10
                                    

Dedicated ito sayo ateeee. Hahaha. Salamat sa pagiging unang reader ko! Lablots! Mwah mwah!

**

CHAPTER 5:

One week has passed. Hmmm. ewan ko pero Iniintay ko yung pagbalik niya.. Oi! Hindi yun katulad ng iniisip niyo! Ano kasi! Di ba sabi niya pagbalik niya, bibigay niya sakin yung libro if ever andun yun sa car niya. Kayo! Dumi ng isip.. Tsk.. Hindi ko siya hinihintay no! Excited lang ako sa libro ko.

Wednesday kasi ngayon so alam niyo naman kung anong meron sa araw na to. :)) Sumakay ako sa elevator at pinindot yung 29th floor.

Pagdating ko sa office ni dad..

TULOG SIYAAAAA!

This is the first time na makita ko si dad na tulog dito sa office nila.  Bakit di man lang niya naalala yung araw na to. -_-

pero, i understand naman. Tsk. Siguro pagod lang talaga na siya. Nilapag ko na lang yung raketa at bag ko sa office niya at maglilibot ako! Kasi halos kilala ko mga mukha ng tao dito at siguro safe naman. Wala namang masama kung maglibot. Di naman ako magnanakaw.  

Lumabas na ako sa office ni dad..

lakad dito..

lakad doon..

lakad diyan..

then may narinig akong ingay galing dun sa office na nasa bandang dulo.  I don’t know pero hindi ko namalayan na dun na pumupunta ang mga paa ko. Ewan ko ba, may lahi ata talaga akong chismosa at nakikiechos ako sa mga ganitong bagay. 

“Why are you still bothering me? Hindi ba sapat yung binigay kong pera sayo?” P-p-parang kilala ko kung kaninong boses yun.

 Kay Kuya Ace ba?

 And bakit galit siya? Sino ba kausap niya? Sino nagbobother sa kanya? Nakita kong pati mga nagtratrabaho sa malapit sa kanya ay nakasilip. So ano ‘to? Live show?

“Eto ba yung babaeng nabuntis ni Mr. Buenaventura?” Sabi nung baklang nakikichismis din. Nakasilip sila dun sa maliit na bintana sa may gilid ng pintuan. Naku! Di ba sila natatakot na baka mahuli sila at baka mapatalsik dito? Tsk.

Pero..

Ha? Buntis? Si Ace may nabuntis? WHAT?

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon