Chapter 28
Kinaumagahan, hinatid niya ako sa school tulad ng nakasanayan. Okay na daw siya sabi niya. Although, hindi siya makatingin sa mata ko. Siguro ay naawkwardan siya dahil nakita ko na siyang umiyak. Di ko tuloy mapigilang ngumisi. Naging shoulder to cry on ako kagabi. Masaya naman na ako sa pagiging ganun. Alam kong hanggang ganun lang ako. Kahit na may nararamdaman na ako para sa kanya. Kahit na sabihin na nating mahal ko na ata siya eh.. Mas pipiliin kong magstay dito.
“Bliss. May group project nanaman tayong dalawa, grocery tayo mamaya ah!” Sabi ni Lunan, At oo nga pala, meron kaming group project at saamin yung ingredients. Obvious naman siguro kasi saamin pinabibili yung ingredients eh.
“okay.” Sagot ko sa kanya.
--
Uwian na. So kasama ko ngayon si Lunan dahil magmamall kami. Wala naman akong magagawa, kelangan namin yun dahil magkagrupo kami at masaya naman ako dahil first time kong makakasama si Lunan, magmall. Na siya lang ang kasama ko, minsan kasi lagi kaming tatlo nila Anvien tapos mauuwi lang sa walang kwenta nilang bangayan kung saan kami kakain or whatever, basta, lagi silang nagaaway. Naiipit tuloy ako sa kanila. Alam niyo naman yun diba?
So ayun nga. Palabas na sana kami ng university nang makita ko si Kuya Ace. Shocks, oo nga pala! Susundiin niya ako.
“Oo nga pala, si Kuya Ace andito.” Sabi ko kay Lunan.
“Edi maganda! May driver tayo di tayo mahihirapan niyan!” Sabi niya sabay kindat. Napatawa naman ako sa kanya, mukha kasi siyang ewan sa kindat niya. Ginulo naman niya ang buhok ko.
“Hey! Wazzup!” Sabi ni Lunan kay Kuya Ace.. Si kuya Ace na.. Nakasimangot? Kanina lang nakangiti ito ah?
“Amm. Kuya Ace, pinaghintay ba kita??” Tanong ko.
“No.. Bakit kasama mo si Lunan?” Sabi niya habang nakataas ang kilay, bakit parang iba ang feeling ko sa mood niya ngayon?
“Ah.. K-kase..”
“Kasi... Pupunta kaming mall, may bibilhin kaming ingredients para sa project namin kuno at magkagrupo kami dun, kaya ganun.” Bago ko pa sabihin, inunahan na agad ako ni Lunan. Okay, siya na.
“Oh.. I see.” Sabi ni kuya Ace at tumalikod, pumunta sa kotse niya at binuksan ang pintuan.
“Badtrip ata.” Sabi ko kay Lunan. Nagkibit balikat lang siya at sumakay na din kami sa kotse.
“I guess, ako ang driver niyo ngayon?” Tanong ni Kuya Ace. Habang iniistart yung engine ng car.
“Ammm. Ano, pahatid nalang pala Kuya Ace sa mall.. Ako na bahala maguwi kay Bliss. Di ba Bliss?” Sabi ni Lunan. Pinandilatan naman ako ni Lunan na magagree.
“Ahh.. O-oo. Dun na lang kami sa mall kuya Ace. Nakakahiya, baka inaabala na kita.” Totoo naman kasi baka inaabala ko na siya at baka kaya siya badtrip.
“No. Sasamahan din kita sa mall at ako ang maguuwi sayo.” Sabi niya habang nagdridrive at seryosong seryoso ang mukha.
“ah.. O-okay”
Lagot, mukhang baadtrip siya? Bakit naman kaya? Dahil ba kay Lunan? Di ba sila close nun?? Or pagod nanaman siya? Hmp. Ayoko na ngang isipin. Magkakawrinkles pa ako. =_=
--
“hahahahhahahaaha.” Tawa ko, kanina pa kasi nagpapatawa si Lunan, ako naman itong tawa ng tawa habang nasa kotse kami. Sumasakit na nga yung tiyan ko.
“tapos yung reaksyon ni Chef Pangga dun sa sunog na luto nila Mia, parang mageevolve na siya eh. Haha.”
Mas lalo namang lumakas ang tawa ko dahil doon, eto kasi yung nangyari kanina dun sa lab eh. Nakakatawa talaga iyon pramis! Ayoko na lang ikwento, di naman kayo makakarelate eh. Hindi niyo naman sila kilala. Haha.
“Ehem. Andito na tayo.” Sabi ni Kuya Ace, with serious face again.
“Uh. Tara na Lunan.” Sabi ko.
Bumababa na kami ni Lunan at dumerecho sa grocery, nasa likod naman namin si kuya Ace. Bakit ba nagpapakita ng ganung ugali ngayon si kuya Ace? Nakakatakot. Gusto ko sana siyang hatakin at isabay sa lakad namin ni Lunan pero lagi siyang pumupunta sa likod.
Bahala siya. Hahaha. Okay, Ang sama ko.
“Kelangan ba natin to?”
“hindi, dun tayo sa may sauce.” Hinawakan ni Lunan ang kamay ko. Napatingin naman ako doon.
“Ehem.” Sabi ni kuya Ace at tinanggal ang magkahawak naming kamay ni Lunan.
“Kayo ba?” Tanong ni kuya Ace kay Lunan.
“H-hindi.”
“Bakit kayo magkahawak ng kamay. Mag-gro-grocery na nga lang. Kelangan pa ng ganyanan?”
Hinawakan niya lang naman ako dahil hinahatak niya ako papunta sa may sauce eh. Wala namang malisya saakin yung hawak ni Lunan, alam kong hawak lang yun bilang kaibigan. Nothing more, nothing less. Bakit nagkakaganito itong si kuya Ace. He’s acting like he’s dad.
“Okay! Okay! Hindi na po.” Tumalikod si Lunan at naglakad papunta na ata dun sa may mga sauce.
Humarap naman ako kay kuya Ace.
“Kuya Ace? Bakit ka nagagalit?” Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at naglakad. Napakibit balikat na lang tuloy ako. Galit ba to? Or may something else?
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
Storie d'amoreHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...