Chapter 30: Something's lost.

5.8K 93 2
                                    

Chapter 30:

Eto ako ngayon, hingal na hingal na sa sobrang kakatakbo. Late na kaya ako! May group project pa kami ni Lunan. Remember? Nalate ako ng gising! Bakit? Eh kasi naman hindi ako makatulog kagabi, ewan ko ba kung bakit.

Siguro dahil... Iniisip ko kung bakit nagkakaganun si kuya Ace. Tatanungin ko nga siya mamaya baka ayaw niya na akong ihatid-sundo. Nahihiya na din kasi ako eh. Boss siya ni dad.. Tapos, parang sino ba ako para maging driver siya? Pagod siya sa trabaho tapos may obligation pa siya saakin na ganun. Nahihiya na talaga ako.

Speaking of hatid-sundo, hindi niya ako hinatid ngayon dahil may urgent meeting daw siya at kelangan maaga, text niya saakin kanina lang pero late ko na din nabasa dahil late ang aking gising. Kaya no wonder kung bakit ako late ngayon. Pero di ko naman siya sinisisi ah. Talagang di na ako nasanay na magcommute. Patigi tigil kasi yung jeep, tapos nagpagas pa! 

I was running so fast na parang hinahabol na ng kaluluwa ko yung sarili ko. I was in the middle of running ng may mabunggo ako.

“Aish. Badtrip!” Sabi ko habang nasa sahig parin yung pwet ko.

“Sorry miss! Sorry!” Sabi nung nakabunggo ko. Hindi ko siya pinansin at dere-derecho pa din ako.

“Wait miss. Na-fhjsjfhkejwfhkjwhfgjwk” Hindi ko siya narinig kasi pumasok na ako sa lab.

“Bliss! Muntik ka ng malate!” Sabi saakin ni Lunan. Kinurot ko naman agad siya. Nanloloko pa eh. Buti nga wala yung chef dito nung pagpasok ko.

“Ngayon ka lang ata na-late?” Tanong niya.

“Puyat eh. Tsaka yung sinakyan kong jeep kanina, halos lahat ata ng madaanang kanto, nagtatawag ng pasahero.” Sagot ko naman.

“Ahh.” sabi niya at agad kaming nagayos dahil dumating na ang chef.

“Okay! You may now start your work.” Sabi ni Chef. Wew! Buti na lang on time ako, kung hindi baka mapahiya ako sa klase. Never pa akong nalate no! :D

--

Nang matapos na kami sa pagluluto, and all that jazz, Break time na.

“Bliss, libre mo naman ako.” Sabi nung asungot na kasama ko.

“Okay.” Madali naman ako kausap.

“yehet!!!” Napatingin naman ang lahat sa kanya. Anlakas naman kasi ng boses. Hindi magkailang magkadugo sila ni Anvien. At ano yung sabi niya? Yehet? Saan naman niya napulot yung mga ganung salita? Ano yun? Beki langguage ba yun tulad ng pinagsasabi ni Anvien.

“Anong Yehet?” Tanong ko.

“Basta.” Sabi niya. Hmp. Okay. Wala naman akong pake doon.

“Ano bang gusto mo?” Tanong ko sa kanya habang papunta kami ng cafeteria.

“Eto.” Turo niya dun sa tinapay na ewan.

“Sabihin mo sa tindera.” Sabi ko habang kinukuha ko yung wallet ko sa bag.

“Ami na bayad!”

“teka! Hinahanap ko wallet ko! Wag atat.” Sabi ko sa kanya habang hinahanap nga ang wallet ko. Halos hinalikot ko na lahat ng gamit ko sa bag, hindi ko pa din nahanap yung wallet ko. Aish! Leche naman eh! Kanina andito lang yun sa akin eh? Bakit naman mawawala?

“Oh? Asan na?” Sabi ni Lunan na mukhang inip na inip na.

“Di ko talaga mahanap.” sabi ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon