Chapter 68
As much as I want to spend the rest of my day with him, hindi naman pwede. Kailangan niyang pumunta ng trabaho at eto naman ako inaasikaso ang pagalis ko.
Ayaw ko naman talaga umalis na, pero sabi nga nila, pangarap ko ito. Natanong ko tuloy ang sarili ko. Pangarap ko parin ba ito? Oo. Gusto ko maging chef. Pero, iiwan ko dito si Ace? parang hindi ko kaya. Lalo na't wala na ako sa tabi niya para ipaalala ang mga memories namin.
Mayroon ng skype, facebook at kung anu-ano pa. Pero, ang kailangan naman namin ay time. Paano kung kailangan niya ako sa oras na iyon pero wala ako? Hindi natin masasabi lalo na't hindi parehas ang oras sa France, dito sa Pilipinas.
Ayokong lumayo sa kanya. Kaya napagpasyahan kong dito na lang. Pero.. Naisip ko din na.. Sayang.. Grab the oppurtunity.
Ang hirap magisip ng future mo. Ang hirap mamili sa mga kasiyahan. Oo, masaya ako kung makakapunta ako ng France at mapalad na maging isang magaling na chef. Pero mas masaya ako kung kasama ko si Ace.
I'm choosing between love or career. Silly isn't it?
Hay buhay ng naman.
"Bliss." and guess what kung sino iyon? magaling! mahusay!
"ano nanaman ba Clyde?" Ang ganda ganda na ng araw ko eh. Sisirain niya dahil sa simpleng pagpapakita niya saakin.
"look.. I'm sorry! Hindi ako dapat umamin sayo ng mga time na yun. I'm so sorry!" Sabi niya. Buti naman alam niya.
"Wala ka namang dapat ipagsorry." sabi ko sakanya.
"Hindi ka galit?" tanong niya.
"Naiinis ako sayo. Ginawa mo akong tanga." Totoo naman eh. Pinamukha niya akong may nililigawan siya. Pinaghintay niya pa ako dati dahil hahanapin niya daw ang nililigawan niya. Yun pala, ako lang iyon? Bakit naman niya ako nililigawan? Eh may boyfriend ako. Kaya ako naiinis sa kanya. Kaibigan ko pa naman siya.
"Kaya nga sorry eh." Aish nakakabadtrip.
"damage has been done." ewan! Mukhang nasa movies lang yung linya na sinabi ko pero totoo naman. Imbyerna na kasi itong si Clyde. Sinayang niya lang ang pagiging magkaibigan namin. Hindi naman sa ano ako ah. Pero, ang awkward na kasi para saakin. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa kanya. Naiirita na ako.
"I'm sorry Bliss. Please forgive me." sabi niya. Tinalikuran ko na lang siya at naglakad na papunta sa room ko. Leche. Ang ganda na ng araw ko eh. Bakit kailangan pang masira?
-
"Hindi ka naman medyo harsh kay Clyde?" Sabi ni Anvien, kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari ngayong uwian na. Hindi kasi kami pare-parehas ng schedule nung break time kaya ngayon ko lang nakuwento kay Anvien, si Lunan syempre, kanina pa.
"Ewan ko.. Nainis lang ako. Biruin mo. Ako lang pala ang sinabi niyang nagugustuhan niya?" Tumango tango lang silang dalawa.
"Sabagay. Kung ako iyon baka magagalit din ako sa kanya." sabi ni Anvien.
"pero what if straight to the point niyang sinabing gusto ka niya? magagalit ka ba?" Napaisip naman ako bigla doon. Nainis lang naman kasi ako dahil dun sa point na sinabi niyang may nililigawan siya, na akala ko may nagugustuhan siyang babae, may paalam paalam pa siya yun pala yun na ang ibig sabihin non. Na ako pala ang liligawan niya, akala ko naman kasi iba eh. Pero what if nga. Sinabi niya agad saakin na.. ako.. yung gusto niya?
"Hindi ko alam. Hindi ko din alam. Ay ewan!" Sabi ko.
"problema nga ito! tulungan natin siya." pakantang sabi ni Lunan. Ano yun? wonder pets?
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...