Special Chapter two: Jelly and Ace (Ace's first heartbreak)

5.7K 52 4
                                    

~4 years ago, bago pa makilala ni Ace si Bliss. Girlfriend niya pa si Jelly. NO HATE! Haha. 

---

Ace' POV

"Je.. tama na yan.. para kang tanga.." Sabi ko kay Jelly at binato siya ng unan. Paano ba naman kasi, pinapractice niya ang pagiyak sa harap ng salamin. Mukha na siyang natataeng ewan dahil sa itsura niyang iyon. 

"YA! Ace! Manahimik ka diyan! Malapit ng tumulo." Napahiga ulit ako sa kama niya. Para saan pa ang pagpunta ko dito kung titignan niya lang ang itsura niya sa salamin? 

"Isang oras ka na jan eh, ngayon pa lang tutulo?" Tsk. Gusto niya pa naman magartista. Pero, ganito pa lang nahihirapan na siya.

"Bahala ka jan. Kukuha na lang ako ng meryenda, nagugutom na ako." sabi ko sa kanya at tumayo na, ginutom ako kakapanood ng fail niyang pagiiyak eh. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso hinila naman ako nitong magaling na babaeng ito. 

"Ace.. nagmamakaawa ako, wag kang umalis.. Hindi ko kayang umalis ka.. Mamatay ako. Parang awa mo na." Tumulo ang luha niya. Tinignan ko lang siya. 

"HAHAHAHAHHA! Natulala ka? Magaling na ba akong umarte?" Sabi niya. Binatukan ko lang siya. 

"Ewan ko sayo. Akala ko kung ano na pinagsasabi mo. Kumain ka na lang baka gutom iyan." Sinarado ko ang pinto at pumunta sa kitchen nila. Walang tao ngayon sa bahay nila maliban kay Jelly kaya free na free akong makikuha ng pagkain nila. 

"Eythh.. Eyth.." tawag niya saakin. Actually, yan talaga tawag niya sa saakin kapag nanlalambing. Binubulol niya yung 's'. Ako naman itong nacucutan sa kanya. Nagtago ako sa likod ng ref para hindi nya ako makita.

"EYTH? WHERE ART THOU?" 

"BOO!" Pangugulat ko sa kanya. Kaya lang, di naman siya nagulat. Sayang ang effort ko dun! Kainis! Nagtago pa ako sa ref buti hindi ako nakuryente!!

"Nyenye! Akala mo naman magugulatin ako. Chura neto!" Sabi niya. Hinug ko na lang siya sa likod. Ang payat wala akong mahug eh. 

"anong gusto mong meryenda?" tanong ko sa kanya. Marunong kaya akong magluto kaya ipagluluto ko siya!

"ehh alam mo namang diet ako eh."

"diet ka pa niyan? Eh wala ka na ngang boobs kakapapayat mo." Tumawa ako. Totoo naman kasi eh, diet siya ng diet, wala ng laman ang katawan niya. 

"Ah ganun? Pero kapag ano, sinasamba mo naman to." tumawa na kaming dalawa. Pagkatapos ng tawanan namin, may pesteng tumawag sa kanya. Ewan! Panira ng moment. 

"Hello?" Sagot niya at kumuha ng signal sa kung saan mang lugar. Asar. Magp-prepare na nga lang ako ng meryenda, kahit na diet siya, pakakainin ko pa din siya! 

"ammm. ano.. Ace, kailangan kong umalis, tumawag yung agency ko.." sabi niya at napatigil ako sa paggawa ng meryenda, sandiwiches to be exact. Kinagat niya ang labi niya na parang nagsasabing 'sorry'

"tss. sige, i'll drive you there.. pero... kakainin mo to a?" sabi ko sa kanya. She nodded and pumunta na sa kwarto niya. Tsk. Mas busy pa siya kesa saakin e.

After 18393927 hours of waiting for her to get ready, finally! natapos na siya sa pagaayos. Dala dala ko ang plate na may sandwiches.

"kumain ka muna bago tayo umalis.." sabi ko. Napasimangot naman siya.

"nagtoothbrush na ako e.." this time, ako naman ang sumimangot.

"tsk." binaba ko ang plato at lumapit sa kanya.

"ahhh." sabi ko at aakmang susubuan ko siya. Kinagat niya lang naman ito.

"ayan? okay na?" sabi niya. Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa noo.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon