----
CHAPTER NINE:
*fast forward to August*
Dalawang buwan din ang lumipas. Sanay na sanay na ako sa mga ginagawa ko bilang college. Sanay na sanay na din ako na laging kasama si Anvien, marami na din akong nalaman sa kanya na dati pala siyang spoiled brat, although medyo may pagkaganun padin siya pero sabi niya dati mas sobra pa. Marami akong nalaman tungkol sa love life niya noon at kung anu-ano pa.
Kasama din namin si Lunan palagi, kapag nasa klase si Anvien, si Lunan ang lagi kong kasama, Culinary din kasi ang course netong si Lunan eh. O diba, may dalawa na akong friends. Di lang yun. May mga kilala na din ako sa kaklase ko. Salamat sa Diyos at hindi ako ginagawang invisible dito.
So enough for that. Andito ngayon ako sa mall. Wala lang. Kakakuha ko lang kasi ng allowance ko kaya feel kong maggrocery para may laman na ulit ang ref ko. Nagtatampo na sakin yun eh. Hahaha. Kidding aside.
Tinignan ko ang listahan ng mga gustong ipamili at nakita kong wala naman na akong kulang kaya napagpasyahan kong bayaran na ito at umuwi na.
Kasalukuyan akong kumukuha ng taxi.. Shocks! At kung sinuswerte ka naman, Umuulan pa! At hindi ko alam kung anong meron sa mga taxi at hindi ako makita. Kanina pa ako kumakaway dito! Argh! Pati ba naman dito invisible ako? Ano? Lagi na lang ako di pinapansin.
Okay, tama na ang drama. Andami ko pong pinamili ngayon! Kelangan ko ng umuwi po! Hellooo! Wohooo mga taxi! Tsk. Kelangan bang i-expose ko din yung legs ko parang katulad sa mga movie para makakuha ng taxi? Asa! Hinding-hindi ko gagawin yun!
Hinding hindi........
Kainis naman oh! Ang lakas pa ng ulan! May bagyo ba? Tsk. August na nga pala, naku! Baka nga bagyo na to!
Pero biglang nangyari ang hindi ko inaasahan. Hindi naman ako gutom para isipin muli ang ganitong pangyayari. Di kaya..
O.O
*lunok laway*
Deja vu nanaman? O sadyang coincedence?
“Bliss ikaw ba yan..” Waaaaaa. Tama nga hinala ko!!
“K-k-k-uya.. A-ce?” O diba? Anong meron sa taxi at sa kanya? Argh! Ilang buwan ko din siya hindi nakita! OMG! Namiss ko siya. Sa sobrang busy ko sa pagiging college, nakalimutan kong meron pala akong crush! Hahaha.
“Oh? Ginagawa mo dito? Sakay na hatid na kita. Lakas ng ulan oh!” Bumaba siya sa sasakyan para ilagay ang mga pinamili ko sa compartment. Ako naman tong hindi makagalaw. Feeling ko anytime tutulo ang laway ko. Naka-casual attire lang kasi siya ngayon.. All I can say is, mas gwapo siya kapag ganito lang ang suot niya. Waaaaaw.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...