CHAPTER TWELVE
“So pano nga namatay?” tanong ko kay Anvien habang nasa bus kami. Nacu-curious parin kasi ako hanggang ngayon dun sa pagkamatay nung kapatid ni kuya Ace.
“Haaay.. Blaze, may you rest in peace! Pero kasi, nagpaka-“ nagaksyon si Anvien na parang hindi makahinga at ginagawa niya habang yung isang kamay niya ay nakataas na parang kunware ay may hinahawakan.
Pero sa ginawa niyang iyon ay nagets ko naman..
NAGPAKAMATAY SIYA? Tsk. Bakit kaya? Ayoko na munang itanong iyon kasi parang medyo di pa ata nakakarecover si Anvien... Sa action kasi ni Vien, parang nagbigti yung si Blaze. Nagtayuan naman lahat ng balahibo ko dun sa kwento.
“Close ba kayo?” Tanong ko upang makasigurado.
Tumango siya at ibig sabihin nun ay oo.. Kaya pala medyo uncomfy pa siya nung tinatanong ko.. 3 years ago na yun pero kung ako siguro ay masasaktan pa din ako if ever mangyari na din sakin yun.. *katok sa kahoy* nakuuu! Wag naman!
Bumyahe kami na as usual, daldal ng daldal si Anvien.. Ewan ko ba kung anong meron dito sa babaeng ‘to. Kung mag newscaster na lang kaya siya o magDJ sa isang radyo? May pakinabang pa siya sa kadaldalan niya... Somehow nahahawa din ako sa kadaldalan nito eh. Nadating tahimik na Bliss, nagiging medyo maingay na. Ang daldal ko na nga din eh. -_-
Hmmm. Masakit pala ang ikinamatay ng kapatid ni Kuya Ace. Tsk. Di biro yun, unexpected. Ano kaya ang problema nun at bigla na lang nagpakamatay? Ayoko na ngang problemahin yun. Sus! I have my own life naman, may she rest in peace! :)
---
It’s saturdaaaaaaaay! That means wala kaming pasok ngayon kaya ang sarap ng tulog ko dito sa kwarto ko. Speaking of kwarto, medyo naiinis ako sa sarili kong hindi ko alam. Kasi ba naman naalala ko yung moment namin ni Kuya Ace dito, yung natulog kami tapos magkahug. Infairness! Gentleman siya. Wahaha. Hug lang yun pero pagnaalala ko di mapigiling gumulong sa higaan, nahihiya ako sa sarili ko. Bakit kaya nagpayakap ako?
Kase gusto mo Bliss, wag ng umangal.
Ayan nanaman ang sinasabi ng inner voice ko. Ugh.Well, ginawa lang naman yun kasi nilalamig ako. Lamigin naman kasi ako. Pero shocks..
Eto gumugulong nanaman ako sa kama ko. Nakakainis na! Ayoko ng maalala!
Kinikilig ka lang eh.
What? Ako kinikilig?
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...