Chapter 61: Busy..

4.8K 67 3
                                    

Chapter 61:

Andito ako ngayon sa kotse ni Ace dahil papasok na ako ng school. Ewan ko pero ang tahimik namin at tanging naririnig ko lang ay ang tugtog sa sasakyan. Nakikita ko siyang sumusulyap saakin tapos bubuntong hininga. Siguro ay mamimiss niya lang ako gawa ng pupunta ako ng France. Siguro nga ganun lang. Wala naman akong makitang ibang problema kundi iyon lang.

Siya na mismo ang nagsabi na kaya niya akong hintayin. 2 years akong naandon at napakatagal non kung hihintayin mo. Pero, gaya nga ng sabi niya, para sa future ko. 

“Bye Ace.” Sabi ko at bumaba ng kotse, pero nagulat ako ng bumaba din siya.

“O? Bakit ka bumaba din?” tanong ko.

“wala lang, gusto ko lang na ihatid ka papunta doon sa room niyo.” Sabi niya, binigyan ko lang siya ng nagtatakang look. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa dapat na pupuntahan.

“Hi Bliss!” bati saakin ni Clyde, ang laki pa ng ngiti niya pero nung nakita niya si Ace, biglang nagbago ang itsura niya.

“Andito ka pala Ace.” Sabi ni Clyde. Hindi siya pinansin ni Ace, nahalata ko namang iba ang atmosphere kaya ngumiti lang ako kay Clyde at dumirecho na kami. Nasesense ko naman talagang pinagseselosan niya sa lahat si Clyde. Ayokong makita ang nagagalit na mukha ni Ace kaya iiwasan ko muna si Clyde ng onti para di magalit itong isa.

“Dito na lang ako Ace.” Sabi ko at tumayo sa harap ng pintuan, Madaming nakatingin saamin. Sino bang hindi titingin kung nakakita ka ng nakatuxedo at kaholding hands pa ang isang katulad ko. Napalunok naman ako dahil sa mga tingin ng mga tao saaking parang nagjujudge.

“Sige. Hindi ata kita masusundo mamaya. Itext mo ako kapag nakauwi ka na ha?”

“bakit?”

“Magiging busy ako mamaya. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito.”

“ah.. sige.” Sabi ko, niyakap niya ako at hinalikan ang noo.

“Ingat ka Bliss. I love you.” At tuluyan na siyang tumalikod at umalis.. Hindi ko alam pero parang ang lungkot ng tono ng pagsasalita niya? Para bang may inaalala siya at hindi ko alam kung ano iyon. Itatanong ko ba? Tsaka na pag hindi na siya naging busy ulit. Kainis naman kung kelan naman konti na lang ang oras ko dito sa Pilipinas.

Pero, ayos lang.

“Bliss!” Nagulat ako dahil sa may tumawag saaking parang ewan ang tawag. Sino pa ba iyon? Edi si Lunan.

“Yes?” sabi ko.

“Si kuya Ace ba iyon?” Tanong niya at may tinuro sa gilid na lalaking nakatuxedo na naglalakad paalis. Kahit maliit na siya dito sa paningin, alam kong siya parin iyon.

“oo, bakit?” tanong ko.

“Wala lang. Ngayon lang siya pumasok dito.” Sabi niya at nangamot pa ng ulo. Echusero talaga to.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon