Chapter 63: unexpected

4.5K 74 4
                                    

Chapter 63

Pinatay ko lahat ng ilaw sa bahay ko para magmukhang walang tao nang hindi makapunta dito si Ace. Pero kahit na ganun, kumakatok pa din siya ng kumakatok at kung anu-ano ang sinasabi. Nakakainis, bahala siya diyan. Bakit ngayon lang siya? I mean, kanina pa ako dito, kung hinabol niya talaga ako, dapat kanina pa siya dito eh ngayon lang siya. Ibig sabihin, hindi niya muna ako inintindi at mas gugustuhin niyang kasama yung Jelly na yun.

Sabagay, kung ako yung lalake, malamang babalikan ko si Jelly, maganda siya, artista pa. Iiwan ko talaga ang isang katulad ni Bliss. Katulad ko. Naramdaman ko nanaman ang luha ko. Ilang beses bang sinabi saakin ni Anvien na maganda ako, at kung anu-ano pa. Pero ang baba talaga ng tingin ko sa sarili ko eh. Naiinsecure pa rin talaga ako sa iba, lalong lalo na si Jelly.

Si Jelly, maganda, sexy, head turner, kahit anong suotin niya maganda siya, kahit nga siguro ibihis sa kanya ang basahan, nakakaakit pa din siya. Hindi katulad ko, payatot, trying hard na hindi maging nerd, magulo ang buhok, di marunong magayos. Hindi ko pala deserve si Ace. Bakit ba ngayon ko lang naisip iyon? Si Ace, gwapo, kahit na kung anong suotin, kahit nakatuxedo man siya o pambahay lang. bagay sila ni Jelly. Hindi saakin.

“Bliss.. please open the door.” Narinig kong sabi ni Ace sa may front door. Nasa taas ako pero sumigaw siya kaya siguro ay narinig ko. Pinunasan ko ang luha ko at tinakpan ng unan ang tenga ko. Alam ko, mahina ako pagdating sa pagmamakaawa niya. Kaya gagawin ko ang lahat para maging matapang kahit ngayon lang. Nasasaktan kasi ako. Hindi ko alam tuloy kung totoo ang sinasabi ni Ace saakin na nasaakin ang puso niya. Kung nasa akin nga talaga? Iiyak ba ako ng ganito?

No return? No exchange? Ha! Parang ngayon pa lang gusto ko ng bawiin ang puso ko pero mukhang imposible. Baka hindi ko na makitang buo pa iyon.

Kahit ilang beses pa akong umikot ikot sa kama ko, hindi pa din ako makatulog. Ang bigat bigat na ng mata ko pero gising na gising ang diwa ko. Mukhang umuwi na di si Ace dahil wala na akong naririnig na kalambag ng pinto. Buti naman, dahil kahit na may kasalanan siya saakin, naawa pa din ako sakanya.

--

Nagising ako ng tama sa oras. Nakita kong nagmumugto ang mata ko. Halo halong sakit na kasi ang inayak ko kagabi. Si Jelly, yung akbay niya, yung paghawak ni Jelly sa kamay niya, yung halik ni Clyde. Ang sakit sakit. Parang hindi ko mata ang nakikita ko ngayon, punong-puno ng sakit.

Inayos ko ang sarili ko at nagsuot na lang ako ng salamin, mas hindi kasi mahahalata ang mata ko kapag ganito kesa magcontacts ako. Hindi na ako siguro kakain ng breakfast dahil hindi naman ako gutom, wala akong gana.

Nakita ko si Ace junior na nakaabang sa pintuan ng kwarto ko. Oo nga pala, may aso nga pala ako naandito. Tumahol siya saakin. Pero, bakas din sakanya ang pagiging malungkot. Nararamdaman niya kaya iyon? Na hindi bati ang magulang niya? Pinakain ko na lang siya at nilagyang ng tubig ang lalagyan niya. Buti nalang at mabait siya na kahit minsan magisa lang siya dito, hindi makalat ang bahay at walang poopoo niya sa kung saansaan.

Paalis na ako at tumahol nanaman si Ace junior sa tapat ng pintuan ng front door. Bakit? Anong problema? Binuksan ko iyon at nakita kong si Ace ay nakahiga na sa sahig, marahil ay nakasandal siya sa pinto kaya ng binuksan ko at napahiga siya.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon