“Tabi talaga tayo?” Tanong ko kay Kuya Ace. Bigla naman ako nakaramdam ng lamig. Nako, kaya ayaw ko ng rainy season eh.
“Oo. Malaki naman ang kama mo eh. bakit? Natatakot ka ba? Wag kang magaalala, Wala naman akong gagawing masama sayo eh. Hahahaha.” Nako, mas lalo akong kinabahan nung sinabi niya yun. Feeling ko lahat ng dugo ko nakaakyat sa mukha ko. Kinakalibutan na ako, ngayon pa lang. Leche. Pero, tama siya, malaki naman kasi talaga ang kama, siguro kasya na kami diyan. Good luck na lang! Ang likot ko kaya matulog!
“Okay. Sige good night!” Sabi ko sa kanya. Hinayaan ko muna siyang humiga sa kama ko. *Gulp* isang laway nanaman ang nilunok ko. Jusko Lord! Ang aga naman yata ng biyaya ko. Ay? Ano daw?
Habang nakahiga siya sa kama, Naghilamos na ako, nagtooth brush, siguro alam niyo naman ang ginagawang routine bago matulog diba? at of course, nagpalit ng pangtulog sa cr. Syempre, di pwede sa kwarto ko kasi, alam niyo na.
Lumabas na ulit ako sa cr at nakita ko siyang nakahiga pa din. Baka tulog na siya. Nakapikit na kasi siya at parang hindi niya sa kumikibo dun sa pwesto niya. Dahan dahan akong pumunta sa isang sulok ng kama at humiga na din. Baka magising ko siya eh.
“Good night!” halos mapatalon naman ako sa gulat. Akala ko tulog na tong taong to.
“O-O-Okay G-g-good night.” At pinatay ko na yung lampshade sa gilid ko. Haaaaaaaaaay! Ang sarap matulog! Ang lamig lamig! Partida di na kami nagaircon kasi malamig na, at nakacomforter na ako dito hindi na kumot.
“brrrr.” Nilalamig ako sobra kaya di na naiwasan ng bibig ko ang mangatal. Eto na nga ba sinasabi ko! Nakakainis naman kasi ang rainy season. Tsk.“Aish. Nilalamig ka ba?” tanong sakin ni Kuya Ace, hala. Gising pa din siya.
“Hindi.. W-wala to. M-matulog ka na.” Nautal kong sabi, kahit lamig na lamig na ako. Manipis lang kasi ang balat ko eh, sabi ni Mom. Kaya kahit konting hangin lang yan nilalamig na ako, di rin ako pwede sa initan kasi sunburn agad ang kinalalabasan lagi. Kanina kasi nilalamig na ako pero dahil may ginagawa ako hindi ko napansin yun, pero eto ako ngayon, nakahiga lang. Ramdam na ramdam ko na yung lamig. Paano pa kaya kung tumira ako sa ibang bansa?
Maya-maya nakaramdam ako ng kakaibang warm..
Teka..
Nakayakap ba siya saakin?
“K-k-k-uya A-a-ce a-aa-yos lang talaga..” Sabi ko, hindi ako nautal sa lamig kundi sa kakaibang kaba na kumakabog saaking dibdib. Ang warm na ng feeling ko.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...